Sunday, April 29, 2012

Angeline Quito Talks About Her Kissing Scene With Coco Martin

Angeline Quito, the Star Power Grand Winner is having the grandest time as she soars higher.

Aside from the  continuous success on her singing career, she has a new movie with her favorite actor, Coco Martin,  titled “Born to Love You.”   The movie was initially titled  ”You Light Up My Life.“

Angeline Quinto and Coco Martin Movie now titled Born to Love You

Angeline said that the movie is already finished and will have its playdate on May 30.  She also further says that she has a kissing scene with Coco Martin and will wear a two-piece swimsuit for the movie.

During  the presscon for her new album, Falling In Love Again, Angeline jokingly said that she had to brush her teeth three times for the said kissing scene and that Coco smelled like  ’listerine.’

Angeline plays the role of a tourist guide while Coco Martin plays  a photographer.

Gerald Anderson Talks About His 3-Storey House in QC

Viewers were then given a chance to see Gerald’s house in General Santos City, where he grew up. Aside from the Gen San house (which he renovated for his mother), Gerald built a 3-storey house located in Quezon City.

The one in General Santos City used to be a single-floored unit, and the living room used to be his bedroom, he said. But later on, he had 2 additional floors added to accommodate more rooms. The star of the now defunct teleserye Budoy said that he had a lot of childhood memories in that house. He even showed the area where he used to “escape” when he was still young. “Dati kasya pa ako dito,” says Gerald while pointing to a small opening.

There's no predominant style to Gerald’s home, yet, as simple as it was, one could get the feeling that it is how he wanted it to be: laid-back, memory-filled. Aside from his bedroom, there was also a space allotted for an altar. The actor also had a basketball court built in the compound as well.


Gerald’s family is more than proud of all his achievements. His mother, Evangeline Opsima, says of Gerald, “Kahit bata pa siya, hanggang sa ganitong edad niya, marami siyang pangarap sa buhay. Doon ako hanga sa kanya.”

Xian Lim, Pinuno ng Roses ang Bahay ni Kim Chui

Sa interview kay Kim, nagbanggit siya ng tatlong lalaking naugnay sa young actress noon at ngayon.

“Enrique Gil,” umpisa ni Charlene.

“Friends,” ani Kim.

Lumigaw o lumiligaw ba si Enrique sa kanya?

“Hindi, hindi. Kaibigan lang talaga siya and yun...”        

Bakit lumabas ang isyung yun?       

“Hindi ko alam!” natatawang sagot ni Kim.

“We’re friends and nagti-text kami minsan.”        

Gerald Anderson?        

“Friends... lahat na lang sila friends!”        

Pero kay Gerald... at kumusta na sila ngayon?

“Gerald? Long-time friends.        

“Okay naman. Masaya naman kami sa kanya-kanyang buhay.”        

Noong huling nagkausap sila, ano ang nasabi nila sa isa’t isa?        

“Kailan ba? Hawaii? End of March.        

“Ano ba… ‘Hi, hello, bye!’” natatawang sabi pa ni Kim.        

Muling magkakasama sa isang pelikula sina Kim at Gerald para sa 20th anniversary ng Star Magic.        

“Trabaho and we’re okay, we’re good friends… yun.”        

Si Xian Lim naman?        

“Xian Lim? A good friend," sagot ni Kim.        

BIRTHDAY SURPRISE. Hindi itinanggi ni Kim na sinorpresa  siya ni Xian ng malalaking heart-shaped roses na nakita na lang niya pag-uwi sa bahay.         

“Nakaka-touch. Siyempre, pagdating mo sa house from shooting, merong puno ng roses sa bahay ko. 

“Nakakagulat kasi, ‘Bakit may puno ng roses sa bahay ko?’”        

Kumusta ang estado ng puso ni Kim ngayon?        

“Basta all I know is that I’m happy—100 percent happy! And yun lang.

“Thank you… thank you sa lahat ng mga nagpaparamdam sa akin na mahal nila ako.

Sarah Geronimo Will Celebrate Her 24th Birthday with a Bang

Sarah Geronimo, the Pop Princess, will celebrate her 24th  birthday with a bang.  Sarah holds a birthday concert at the Araneta Coliseum billed as 24/SG July 7, 2012 Araneta Coliseum.

Earlier this year, there were issues that came out regarding her birthday concert’s venue.  It was said that the management of the Araneta Coliseum have asked Viva Entertainment to look for another venue since Globe is a rival of Smart Communications.  Sarah Geronimo is one of the endorsers of Globe.

But it seems that everything has been ironed out and the Araneta Coliseum venue for the concert is pushing thru.

Tickets for the said concert will be available on May 1, 2012.  For inquiries, you can call TicketNet at 911-5555.

Sharon Cuneta Talks Again About Piolo Pascual

“Nasaktan ako kasi minahal ko si PJ (I was hurt because I have loved PJ). I really welcomed him open arms. Na-forgive ko na siya. Hindi naman ako si Kc, at na-forgive na niya, ako pa kaya (I already forgave him. Kc has already forgiven him, why can’t I)?” Sharon said.

“She's very, very happy now,” she added.

Sharon said she was just disappointed over Piolo's attitude while he was still with her daughter and after their break-up hit newsstands.

The Kapatid star then apologized to those who were affected by her comments over KC's breakup.

“Pasensya na lang din kung may nasabi ako, kasi anak ko naman ‘yun, eh. Pag anak ko na ‘yung binabastos, eh, magsasalita ako (Sorry for those who were hurt by what I said, KC is my daughter, after all.)"

Sharon said Kc is currently focusing on her showbiz career and opts to remain single.

KC is currently linked to international singer Jules Knight. The latter publicly asked the young actress for dinner before leaving the country earlier this month.

Knight is a British born singer of vocal quarter "The Blake."

Sharon said Jules seems very kind but her daughter is just not ready for any relationship now.

KC Concepcion Talks About Sharon After Twitter Issues

Isa si Sharon Cuneta sa naging paboritong pukulin ng mga below the belt na komento sa Twitter. 

Sa nakaraang interview sa Megastar, inamin ng aktres na dumating talaga sa punto na nakipagpalitan siya ng mga maaanghang na salita na alam niyang di niya dapat ginawa sa kanyang mga bashers.

Sa interview namin sa anak ni Mega na si KC Concepcion, agad naming kinumusta ang ina nito. Tinanong din naman kung ano ang reaksyon niya sa mga Twitter bashers.

Ayon kay KC, “Busy sa show niya, taking care of her health.  One of those things na na-realize niya na kailangan niyang i-prioriitze ngayon lang but she’s happy. 

"I think she’s more peaceful, she’s taking life slow and peaceful.

“Natuto na rin siya sa Twitter... It was so new and exciting and siyempre, Mommy ko pa naman, she’s passionate. Pag nag-react, very honest ang reaction niya.

"Walang edit so na-enjoy niya yun, but after a while, nakakapagod din. So I guess she’s just resting and when she tweets now, she tries to be positive na.”

SISTERS. Very close si KC sa mga kapatid sa ama na si Garrie Concepcion at Cloie Syquia-Skarne.

Very emotional si Cloie tuwing mapag-uusapan na hindi pa nito nami-meet nang personal ang ama nilang si Gabby Concepcion. Bagay na para kay KC ay kauna-unawa naman dahil dumaan din siya sa ganitong sitwasyon.

“For me honestly, I understand Cloie. Bago for her young age yung concept na kailangan niyang makilala yung biological father niya.

"Kami ng Ate Garrie niya, we also took our time. 

"She's still a teenager, we were in our 20s nung hinanap namin yung Tatay namin and it’s okay. She’s still a teenager, there’s no real pressure.

“I also hope na yung mga fans niya, yung mga supporters niya, they don’t pressure her also. Wag nilang masamain na di pa siya ready.  

"Bilang Ate niya na pinagdaanan din yung pinagdadaanan niya, parang hindi rin madali.  Marami ka ring kailangang i-figure out sa mind mo.

"Hindi mo alam how you’re gonna feel.  E, lalo kaming dalawa kamukha namin yung tatay namin.

"So ako, I grew up with him but when I saw him, ang unang pumasok sa isip ko parang, 'Oh, galing talaga ako sa iyo, I know you now.' 

"So I guess, it’s same with her and it’s okay, it will come.”

JULES KNIGHT. Nali-link si KC kay Jules Knight, isa sa miyembro ng British band na Blake.

Nanliligaw ba talaga sa kanya ang British singer?

“For now, I said it naman before, he’s a great guy, he’s very sweet, passionate din siya. 

"Tinanong ko nga siya, 'Jules, do you have a temper?' Ang sabi niya sa akin, 'It’s not temper, it’s passion.'

"He’s really sweet, he’s really nice, but I’m not, I don’t wanna pressure myself na porke’t siya yung nandiyan, yun na. 

"I wanna get to know [him]. I wanna make him a friend.

"Gusto mong malaman kung ano ang nakikita ko, yun siya, hindi siya yung best foot forward.

"I think I appreciate him as a friend right now.

"First time na nangyari sa akin ang ginawa niya publicly, nangarag talaga ako, that was a first but aside from that, it’s also a personal thing.  Right now I’m not comfortable entertaining it pa na todo-todo.

“We do communicate, we do, but again he doesn’t even live here so always, pag ganun...I’m not ready to make an effort... kasi I gave so much of myself... in the past.”

Bukas ba siya sa bagong relasyon?

“Serious relationship, not yet. I’m meeting really lovely people but it doesn’t mean just because nanligaw, kailangan siya na. 

"It’s always nice to let them know that you appreciate them but you’re not ready... I told Jules that also.”


 

Vice Ganda at Direk Bobet Vidanes, Nagkaayos Na

"Baka bigyan kahulugan na naman ang luha ko. Naiiyak ako dahil masaya ako." Ito ang sinabi ng unkaboggable na hurado ng "It's Showtime" na si Vice Ganda nang magakapan sila ng direktor ng show na si Bobet Vidanes sa inter-town finals ng palabas ngayong Sabado ng tanghali.

Naka-"I Love Vice" shirt pa ang direktor nang lumabas sa show upang patunayan na wala nang namamagitang samaan ng loob sa kanilang dalawa ng host.

Sa pagtatapos daw ng ika-limang season ng "Showtime" sinabi ni Vice na mas maganda na itigil na ang bad vibes at mga bagay na ikakasira ng kanilang programa at samahan. Matagal na din kasing natsismis si Vice na may hindi pagkakaunawan sa kanilang direktor at mga kasama sa show.

Angel Locsin's Wishes for Her Kababayan

After turning 27 last April 23, Angel Locsin said she feels very happy with both her personal and professional life. To coincide with her tenth anniversary in show business, the talented actress held a star-studded birthday salubong last Sunday, April 22. “Ano yun, sa tingin ko ha, first and last na celebration ko. Pansin niyo naman hindi naman ako nagpapa-party talaga. Usually may mga iba akong ginagawa. Pero yung grand na party eh medyo malabo sa dugo ko so eto lang para lang magpasalamat din ako siyempre sa mga taong naging parte ng buhay ko na siyempre kung wala sila wala ako dito. Nag-thank you lang ako and masaya naman yung naging resulta. Marami yung nag-enjoy. Mga naimbita lang naman siyempre yung mga importanteng tao sa akin,” she shared during her contract signing with ABS-CBN and Star Cinema last April 27.

Angel admitted that the celebration was worth it because she considers it a big milestone in her life. “Actually ano nga eh, iniisip ko, ilang taon na ba ako? (laughs). Kaya naisip namin na isabay na lang namin sa birthday ko kasi siyempre ilan lang ba yung makakapagsabi na nakaabot ka ng sampung taon sa industriya,” she said.

Angel shared that she had initially undergone training in Star Magic when she was younger but was never launched as an artist. “Nung pumasok ako, pero hindi ako na-launch. Tapos nagtrabaho ako, bagets pa ako nun, 14 or 16, mga ganun lang yata. And then after two years saka naman ako natanggap dun sa kabila. Hindi kasi ako na-launch nun. I think hindi pa rin ready. Alam naman nila Mr. M (Johnny Manahan) kung ano yung dapat para i-launch ang isang artista pero marami akong natutunan. Okay yung training ko. Ngayong bumalik ako hindi ko naman masabi na parang destiny o ano di ba pero ako naniniwala ako na ang mundo bilog eh. Umiikot lang naman yun,” she said.

Known to support many advocacies, Angel said she wants to use her birthday wishes to help other less-fortunate kababayans. “Marami akong wishes sa totoo lang. Sa trabaho, sa personal, marami, marami tayong gustong mangyari. Alam ko magkakaroon ng blood drive yung Red Cross itong July so sana madaming sumuporta kasi yung mabubuong pondo dun. Sa mga hindi nakaka-afford na makabili ng dugo, ibibigay sa kanila ng libre. So marami tayong maliligtas na buhay. Tumutulong lang ako pero hindi sa akin yun,” she shared.

When it comes to her love life, she said she and Azkals player Phil Younghusband are going strong. “Okay naman kami. Okay naman siya. Masaya. Napakabait na tao. Sabi nga nila pag maganda ang takbo ng personal life mo, maganda rin yung takbo ng career, parang ang bagay lang namin kasi lahat ng positive, kumbaga perfect kasi magkasama kami. Naks! (laughs).,” she joked.

Although they have yet to formally confirm the status of their relationship, Angel said they see no need to put any labels on what they have. “Well, sa amin kasi yung pagiging boyfriend-girlfriend, parang we’re more than that. Parang hindi namin kailangan ng labels pero kumbaga siya ang lahat sa buhay ko at ako ang lahat sa buhay niya. Parang he’s my everything (laughs),” she said.

Angel also brushed off any notion that they might already have wedding plans. “Ay wala pa yun. kasi may tatalong taon pa akong kontrata sa ABS-CBN so malabo yun (laughs),” she said.

For her birthday, Angel said she really appreciated the thought that Phil put into his gifts for her. “Si Phil kasi very sentimental siya so nagpagawa siya ng mga blankets kasi nakikita niya pag nagte-taping ako marami akong blanket. Tapos may naka-print na message for me. Yun yung binigay niya tapos 100 pieces of long-stemmed roses kasi yun yung paborito ko na bulaklak,” she said.

Saturday, April 28, 2012

Piolo Pascual Had a Fetish GF

Piolo Pascual was quick to refute other people’s impressions that he’s difficult to please and doesn’t give his heart easily. He said it’s just that there’s a right time for falling in love. “Sobra naman, hindi naman. Dumadating yun sa tamang panahon, sa tamang tao… So I guess may mga bagay tayong kailangan gawin na naaayon sa pagkakataon na ibinibigay sa akin. Ngayon, itong trabaho ko, kung ano ipagagawa sa akin, yun ang gagawin ko. Kung ano man yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po yun. You deal with it as you go through it. In time siguro,” he said during the grand press con of Every Breath U Take at Dolce Latte, Thursday, April 26.

When asked if he hasn’t found the right girl for him, Piolo made it clear that he doesn’t want to offend anyone by bringing up his past relationships. One thing is for sure though, he also hopes to meet someone he could settle down with in the future. “Mahirap magsalita e, especially sa mga ganitong pagkakataon, mahirap ma-misquote. Ayoko mabigyan ng ibang meaning yung sasabihin ko, so I’d rather keep it to myself. But in time, siguro malalaman natin, and hindi naman tayo bumabata. I remember being asked that question before. Oras na lang ang magbibigay ng sagot sa katanungan [na iyan].”

On a lighter note though, Piolo accidentally revealed an ex-girlfriend’s “fetish.” It cropped up when he was asked about Angelica Panganiban’s obsession with his sexy body in Every Breath U Take. “Sa off screen hindi [ito ang first time na may humalik sa kili-kili ko], on screen yes. I remember before, off screen, merong akong girlfriend na may fetish sa kili-kili ko. Pero on TV, si Angelica lang [ang nakahalik dun],” he admitted with a laugh.

As for his team-up with Angelica, Piolo fondly shared how he had witnessed her turn into a talented actress since they first worked together in the teleserye Mangarap Ka back in 2004. “Sobra akong bilib sa kanya. Kasi bata pa lang pinapanood ko na ito sa [Princess Sarah]. Makikita mo talaga siya na nagbabago siya and lalo siyang gumaganda, lalo siyang gumagaling. She’s becoming comfortable with her craft.”

What Piolo likes the most about Angelica though is that she could easily relate with people from all walks of life. “Hindi siya maarte, hindi siya mahirap pakisamahan, at hindi ka mai-intimidate sa kanya. Pwede mo siyang ilagay kahit saan, madali siyang mag-adjust. Yun siguro ang isang malaking factor kung bakit nakagaan sa amin ni Direk Mae (Cruz) [yung trabaho]. Siyempre, ang leading lady aalagaan mo, kailangan talaga mag-a-adjust kayo lahat. But she didn’t give me a hard time being with her in the shoot, masarap siyang kasama.”

Xian Lim is Proud to Be a Certified Recording Artist

After madiscover ang kanyang singing and song writing talent sa telenovelang My Binondo Girl, proud nang masasabi ni Xian Lim ngayon na isa na siyang certified recording artist.

Ini-release na ng Star Records and kauna-unahang album ni Xian na titled So It's You. "Pangarap ng bawat musician ang magkaroon ng sariling album kaya sobrang saya ko noong nalaman ko na magagawa ko siya kasi ito talaga yung gusto kong gawin,” pahayag ni Xian.

Ang album ay naglalaman ng limang tracks kabilang ang carrier single at original composition ni Xian na "Puso Kong Hibang" pati na din ang naging theme song ng My Binondo Girl na "Ako'y Sa Yo Lamang." Kasama rin ang sariling versions ni Xian ng OPM hit songs na "So It's You," "Reaching Out," at "Oh Babe." 

Ang “So It’s You” album ay maari nang ma-download sa www.starrecords.com.ph, www.mymusicstore.ph, at sa iTunes sa www.amazon.com sa Mayo 10.

Billy Crawford's Career in France and with ABS-CBN

Billy Crawford signed a two-year contract with ABS-CBN a few days before he’s scheduled to leave for France on April 30. Billy will be making his long-overdue return to the European country to release another album and revive his international career.

He said that he feels excited and nervous that he will finally return to France, where he previously succeeded in making a name for himself as a pop icon. “I’m nervous because it’s been years since I performed in France, I’m excited-nervous, ‘di naman takot-nervous, I feel blessed and I feel happy,” explained Billy.

As for his renewal of contract with the Kapamilya network, the singer said, “I’m very, very happy and it’s such a blessing knowing the fact that I have a few more years with ABS-CBN, [I’m a] Kapamilya again.”

As part of the contract, Billy shared that he will continue to be one of the hosts of It’s Showtime and will remain as host for the future season of Pilipinas Got Talent, together with Luis Manzano. “It’s the same, [hosting on] It’s Showtime. Ibabalik ang Pilipinas Got Talent, which I’m very excited about because marami kaming pasabog, marami kaming bago na mangyayari dito. And excited na ako na makasama ulit si Lulu Boy (Luis) and we have ASAP and a few other projects.”

He continued that there should be no conflict between his projects here and abroad because he talked to the management about his work in France before signing the contract. “Well, for now I made it a point, I made it clear din naman sa France na I will be there for two months only and I’ll be back sa Pilipinas kasi ‘di ko naman maiwanan. Ang ABS-CBN naman pinayagan din naman nila akong umalis, of course. It’s a mutual agreement din naman for both parties. So I will be coming back after two months and then I will have to go back to France again for promotional purposes.”

Billy continued that remaining a Kapamilya even when he is away is a wish granted. “It’s such a blessing that ABS-CBN has been very, very supportive kung kelan ako aalis, kung ano man ang gagawin in the future. So I’m so happy I’ll have a family like this na hindi ako pinigilan to reach my dream once again, so I couldn’t be happier na whatever happens overseas may babalikan akong pamilya. There’s no place like home and I’m excited to come back,” shared Billy.

Angelica Panganiban Talks About Piolo Pascual

Angelica Panganiban admitted that she’s not immune to Piolo Pascual’s undeniable charms when they shot the Star Cinema movie, Every Breath U Take. She was further impressed by the fact that his good looks also go with discipline and a natural flair for acting. “Kapag nakikita mo siya, masaya lang, kumpleto na yung araw mo. Gusto ko titigan ko lang siya. Gwapo e [at] sobrang galing umarte, nakakadala. So ‘pag nand’yan siya, kailangan mo pantayan yung kaya niyang ibigay. Hindi mo alam kung anong ipapakita niya so kailangan ready ka lang. Game lang siya sa lahat,” said Angelica during the press con of Every Breath U Take last April 26.

The 25 year-old also revealed that Piolo is not only humble, but a generous co-star to boot. “[Over the years] nakita ko na mas yumaman pa siya. Pero yung yumabang? Hindi mo yun makikita sa kanya. Ikaw pa yung mahihiya umarte kasi parang mas wala siyang arte. Ang ganda ng working relationship kasi na-i-inspire namin yung isa’t isa na mas pagandahin yung trabaho. Mayaman [siya at] laging nanlilibre ng pagkain,” she cheerfully exclaimed.

Angelica further shared that Piolo has remained a gentleman all throughout the shoot. Although they were required to do a lot of intimate scenes, the actress insisted that they dealt with it in a professional manner. “Wala[ng malisya]. Siyempre mahirap isipin yun habang ginagawa [yung kissing scenes]. Hindi ko naman pwede isipin na, ‘Ay tama yung hagod na ginagawa niya!’  Hindi ko naman pwedeng isipin habang nasa eksena kami kasi medyo nakaka-off naman yun sa trabaho namin. Sobrang gentleman ni Papa P.”

Will she ever consider dating Piolo if she’s not committed with Derek Ramsay at this point in her life? “Siya po yung nangunguna sa listahan. Yes naman Papa P! May listahan pala ako, tumatarget! Ikaw ang una. Hindi pa siguro time maging kami noon (when they first worked together in the teleserye Mangarap Ka eight years ago). Baka po this time around,” she quipped.

KC Concepcion Understands Cloie Syquia-Skarne

Nagbiro si KC Concepcion nang matanong siya hinggil sa balitang gagawa siya ng pelikula with Anne Curtis at Derek Ramsay. “Hindi ko naman isi-secret na walang ka-pressure-pressure, siyempre mga Box Office King and Queen na ‘yon and I watched No Other Woman,” natatawang sagot ng dalaga.

Gayunpaman, masaya siya na magkakasundo silang tatlo. “Talagang ‘pag magkasama kami, talagang ang gulo lang naman. The same ‘yung humor namin, tawa lang kami nang tawa,” kuwento ng actress-host.

Natanong din ang dalaga hinggil sa isyung ayaw pa munang makipagkita ng kanyang half-sister na si Cloie Syquia-Skarne (anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia) sa kanilang ama. Dumating kasi earlier this 2012 sa bansa si Cloie with her mom, pero kahit nag-effort si Gabby na magkita sila ni Cloie ay tumanggi raw ang dalaga.

“For me, honestly, I understand Cloie na bago din naman for her ‘yung concept na kailangan kong makilala ‘yung biological father ko,” pagtatanggol ni KC. Aniya, noong bata raw siya at ang half-sister na si Garie (anak ni Gabby kay Grace Ibuna), nagkaroon din ng phase na hindi raw sila ready noon na makipagkita sa ama. “She’s still a teenager. Kami ata ni Garie we’re in our 20s nung hinanap namin ‘yung tatay namin.

“It’s okay that she takes her time. She’s still a teenager. There’s no real pressure. And I hope ‘yung mga fans niya, mga supporters, they don’t pressure her also. Huwag masamain na ‘di pa siya ready. Bilang ate niya na pinagdaanan din ‘yung pinagdaanan niya, parang hindi rin madali. Marami ka ring kailangang i-figure sa mind mo, hindi mo alam how you’re going to feel. Eh lalo kaming dalawa, kamukha namin ‘yung tatay namin so ako, I mean I grew up with him, but when I saw him, ‘yung unang pumasok sa isip ko parang, ‘Oh, galing talaga ako sa ‘yo.’ So I guess [it’s the] same with her. It’s okay. It will come.”

Angel Locsin at Ang Kanyang Paglipat sa Other Network

Angel Locsin recently signed contracts with both ABS-CBN and Star Cinema last April 27 at the ABS-CBN compound. Also present at the contract signing were Ethel Ramos, Angel’s manager; ABS-CBN President Charo Santos-Concio; and Star Cinema managing director Malou Santos. Angel signed a three-year four-picture deal with Star Cinema.

“I’m very happy. Itong isang movie magsisimula na itong May kasama si papa Dingdong (Dantes) at si Angelica Panganiban. Ang magdi-drect si Ruel Bayani na napakagaling na director. I’m very excited na maka-trabaho si Direk Ruel. Yung isa naman yung kasama sila Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angelica Panganiban at saka ako. Tapos yung pangatlo may pinaplano kaming pelikula with Vhong Navarro naman. Kung anong type ng pelikula, abangan niyo na lang (laughs),” she shared. Angel admitted that there are also plans for a reunion movie with her original love team partner Richard Gutierrez.

Angel denied reports that she was recently on the grounds of her former network, which sparked rumors of a possible transfer. “Yun na nga may chismis nga. Baka yung mga dating mga posters ko nakikita nila pero hindi. Minsan gusto ko dumalaw pero hindi pupuwede (laughs). Hindi ko alam kung saan nagsimula yun,” she clarified.

Angel said she is also looking forward to starting work on a new television series later this year. “May gagawin akong teleserye. Kung sino makakasama ko abangan niyo (laughs) kasi inaabangan ko rin. Pa-alagwa na siya this year sisimulan na yung teleserye na gagawin. And bukod sa Toda Max na ginagawa namin ngayon with Tito Robin (Padilla) and Vhong Navarro,” she said.

The 27-year-old actress admitted she is very much satisfied with the way her career is going ever since she transferred to the Kapamilya network. “Ako lagi kong sinasabi na thankful talaga ako sa ABS-CBN especially to Star Cinema kasi binibigyan talaga ako ng proyektong de-kalibre talaga. Yung mas makikilala ka bilang isang actress, narerespeto ka sa craft mo. Iba talaga mag-alaga ang ABS-CBN. I’m excited. Happy lang ako na naging official na Kapamilya ulit ako ng ABS-CBN,” she said.

Angel said that the she has learned a lot over the years and the recognition she has gotten has also boosted her confidence in acting and has made her happy to remain a part of ABS-CBN. “Marami kasi like yung mga awards na natatanggap ko simula nung lumipat ako sa ABS-CBN. Sobrang laking bagay. Sa mga kaibigan, sa mga nakakasama ko ngayon, mga kahit hindi tungkol sa trabaho, kahit sa personal, malaki na tulong talaga sa akin.”

Angel added that she wants to always do her best for her fans and her co-workers. “Bilang artista pinaghihirapan ko talaga yung trabaho ko at gusto ko talaga bawat project may mapapakita ako na mas bago para sa audience and siyempre para sa patuloy na sumusuporta, mga fans ko, na kung hindi naman dahil sa kanila, wala naman tayo dito,” she said.

Thursday, April 26, 2012

Cristine Reyes, Pinagsabay sina Richard Gutierrez at Jericho Rosales

Si Cristine Reyes ang cover girl ng May 2012 issue ng YES!

Magazine at dito namin nakita ang litrato ng townhouse na tinitirhan ng nanay nila ni Ara Mina at ugat ng kanilang court case.

Nakalagay rin sa bagong issue ng YES! ang bagong bahay at magagandang gamit ni Cristine.

Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya, nagtataka kami kung bakit kailangan ni Cristine na i-harass si Ara para makasingil siya?

Maraming rebelasyon si Cristine sa YES! Inamin niya ang sobrang pagmamahal noon kay Dennis Trillo, ang pakikipag-date kina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales at Richard Gutierrez.

Ipinagtapat din ng sexy star na pinagsabay nito sina Richard at Jericho.

Dahil sa kanyang mga rebelasyon, naalaala namin ang mga masasakit na text message niya kay Ara.

Kung ano ang mga akusasyon ni Cristine laban kay Ara, nagawa rin pala niya at sa kanya pa nanggaling ang mga kuwento.

Marami kaming opinyon tungkol sa celebrated feud nina Ara at Cristine, pero hindi na namin isusulat.

May limitasyon ang lahat dahil mahirap makisawsaw sa away ng mga magkakaibigan, mag­kakapatid at mag-asawa.

Sa bandang huli, iiral pa rin ang kanilang pagiging magkakadugo, malalim na relasyon at pinagsamahan.

Magkakasundo sila at ang mga tao na may kinampihan sa isa sa ka­nila ang magiging masama dahil sa mga solicited advice at unsolici­ted opinion na ang magkakaaway rin naman ang humingi.

Sarah Geronimo is Busy Preparing for Her Concert and New Album

Pop Star Princess Sarah Geronimo just revealed that aside from being busy preparing for her birthday concert at the Araneta Coliseum on July 7, she is also  preparing to launch her new album.

Her pictorial for her up-coming concert coincides with the pictorial of her next album which is to be released soon.

This is what Sara revealed:

    “Tonight po nag-pictorial kami para sa album ko rin, sa next album na gagawin ko to be released soon.”

Are you excited for Sarah’s next album?

Piolo Pascual Cover of Men’s Health for May 2012 Issue

Piolo Pascual is shirtless sexy and dripping wet on the cover of Men’s Health for May 2012 issue!

Aside from interesting features about Piolo, other topics inside this issue include “The Amazing Plan to a Beach Ready Body!,” “Sexplosion! 14 Sizzling Secrets, Revealed,” “The Incredible 24-Hour Fat Burn,” “Beat Stress For Good!,” “Six Pack Abs!” and “Gain the Mental Edge.”

Men’s Health Philippines is now available where magazines are sold Nationwide.

Grab a copy Now!

Palibhasa Tanghali Will Replace It's Showtime

Now that Richard Gomez, Joey Marquez and John Estrada of the “Palibhasa Lalake” fame are back on ABS-CBN, they think that they could bring back viewership and stir fans to watch a new noon time show.

Rumors has it that the trio will be the new host of a noon time show titled Palibhasa Tanghali and move back Showtime to its original time slot since the ratings are very dismal on their new timeslot.

The network is believed to be conceptualizing a new show for the trio, and bring back the rating that Wowowee once had.

Do you think that the new trio could beat Kapuso’s Eat Bulaga‘ in the ratings game this time around?

Ano Kaya ang Pinagdadaanan ni Vice Ganda

Pumutok ang balitang nagkaproblema sina Vice Ganda at direktor na si Bobet Vidanes sa It’s Showtime kamakailan. Isyung hinarap ng komed­yante at nilinaw na rin ng pamunuan ng nasabing programa. Ngayon ay nagsalita na tungkol sa isyu si Karylle na isa ring host at malapit kina Vice at Direk Bobet.

“Kapag hindi kasi masyadong sinasagot ang intriga, mas nagiging magulo siya. Hindi naman ako directly involved sa isyu, although family ko sila, mahirap magsalita kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” bungad ni Karylle.

Kaya ang mas nilinaw ng dalaga ay ang is­yung mahirap talagang pakisamahan si Vice.

“Hindi siya mahirap kasama. One of the things with being a comedian, nakikita ko na they always have to be happy and may mga pinagdadaanan din naman siya. May kanya-kanya kaming pinag­da­raanan and we’re always there for each other. Noong may pinagdadaanan din ako, I know that they were really there for me and they made it known. So same way now na may pinagdadaanan siya na parang dyina-judge siya ng mga tao. Gusto kong sabihin na masarap siyang katrabaho and nara­ramdaman ko talaga ’yung care niya at support niya all out,” paliwanag ni Karylle. 

Wednesday, April 25, 2012

Sam Milby Papalitan si Derek Ramsay

Balita ngang si Sam Milby ang papalit kay Derek Ramsay sa pelikulang nasimulan na nitong i-shoot sa Star Cinema with Bea Alonzo. Pinalitan nga si Derek kahit na naka-five shooting days na ito para sa naturang pelikula dahil sa pagpirma nito ng exclusive contract sa TV5.

Tinanggap nga raw agad ni Sam ang project since may gagawin din daw siyang bagong series sa ABS-CBN 2.

Wala pa nga raw nangyayari sa hinangad na Hollywood dream ni Sam at kailangan na niyang magtrabaho para kumita. Malaki na raw ang nagagastos niya sa kanyang stay sa New York City and so far ay wala pa siyang nagiging trabaho roon.

May mga nagsasabi na kay Sam na huwag na niyang iwan ang career niya rito dahil mahihirapan lang siya sa kanyang nais na magkaroon ng acting career sa Amerika. Hindi nga raw siya magiging priority roon dahil sa rami ng mga Kano na gustong pasukin ang acting.

Kung mabigyan man siya ng trabaho, malamang na walk-in scene lamang or isama siya sa crowd scene. Masuwerte na siya kung mabigyan siya ng dialogue sa eksena.

Ilang mga artista na rin natin ang sumubok na magkaroon ng career sa Hollywood at hindi sila naging successful tulad nina Tetchie Agbayani (na puro supporting roles lang ang nakuha), Giselle Toengi (na walang naging project doon kaya after 10 years ay umuwi na lang dito para i-revive ang career niya), Cesar Montano (na hindi natuloy ang mga projects), Antoinette Taus (na walang balita unless si Dingdong Dantes ang itanong pa rin sa kanya).

Suwerte lang ang mga tulad ni Lea Salonga na nakilala dahil sa Miss Saigon sa West End in London and Broadway kaya siya nagkaroon ng mga projects sa Disney at Broadway. At maging si Charice na tinulungan ni Oprah Winfrey kaya ito nabigyan ng malala­king projects tulad nang paglabas niya sa Glee at mga shows sa mga malalaking musical venues.

May mga Filipino-Americans naman doon na tulad nina Lou Diamond Philips (La Bamba), Vanessa Hudgens (High School Musical) Dante Basco (Take The Lead), Paolo Montalban (Cinderella), at Reggie Lee (The Dark Knight Rises) na sunud-sunod ang trabaho dahil ang bentahe sa kanila ay mga Americans sila. Nalalaman na lang na may dugo silang Pinoy kapag nai-interview na sila.

Bianca Manalo Talks About Her Past Relationships

Bianca Manalo shared that she had two long-term relationships prior to meeting current beau John Prats: She had a one year and six months relationship with her high school sweetheart and a seven-year one with a pilot. “Ganon talaga ako, matagal [makipagrelasyon]. Yung sa high school, ipinagpalit niya ako, gusto niya gumimik and magka-college na siya. Baka daw may makita pa siyang mas maganda, yun talaga ang words niya! So iyak ako. Yung pilot, parang marami lang kaming differences, Siguro ‘di talaga pwede. Ngayon, naniniwala na ako na it’s not the quantity, it's the quality,” said the beauty queen-turned-actress on Kris TV, Tuesday, April 24.

One of the things she instantly liked about John though is that he made an effort to get to know her. He would even “connive” with other colleagues like Melai Cantiveros and Matteo Guidicelli just to spend time with her. “Una sasabihan niya ako, ‘Samahan mo naman ako, gusto magpalibre ni Melai sa Heat sa Shangri-La.’ Sabi ko, ‘Hindi nga? Kayo na lang ni Melai.’ ‘Hindi, samahan mo ako, tatlo tayong magde-date.’ The next day, si Melai sabi sa akin, ‘Ate Bianx, sabi sa akin ni Kuya John samahan ko daw kayo mag-dinner.’ ‘Ahh...kami pala ang sasamahan mo.’ So yun na, ride na lang ako, kunyari ’di ko alam.”

John eventually earned Bianca’s trust since he was honest about his previous relationships. “Nag-start kami sa asaran. At first, ayoko kasi meron siyang girlfriend (Rachelle Ann Go) nun. So bilang babae, nirerespeto ko yun. Pero bilang ginagawa din namin yung trabaho namin, so tuloy-tuloy lang. Hanggang sa, ewan ko kung paano nangyari, basta nag-break na sila, nabalitaan naming break na. Hindi niya sinabi, sinabi sa akin ng mga kasama niya sa Banana Split.”

Bianca refused to say, however, the exact date of her anniversary with John. “Secret namin yun e. Ayaw niya [ipasabi]. Gusto niya yun yung one thing na sa amin lang. Nakakatawa kung paano maging kami. Basta nagulat na lang ako na sinabi niya na, ‘Tayo na ba?’ Patawa-tawa. Sabi ko lang, ‘Ha?’ ‘O, basta ‘di na ako magtatanong, eto na yun.’ Paguwi ko ng bahay, ginising ko yung batang kapatid ko. ‘Nicole, gumising ka!’ Bakit?’ ‘Hindi na ata ako single!’ So yun na yun.”

Although they don’t see much of each other compared to when they were still hosting Happy Yipee Yehey!, Bianca claimed that it only added excitement to their relationship. “Mas naging close kami, mas na-appreciate namin yung time together. Sa gabi nagdi-dinner kami, we watch movies. Mas nache-cherish namin yung moments. Unlike nung magkasama kami sa noontime show, palagi kaming magkasama, parang normal lang na daily routine. Eto, iba talaga,” she beamed.

KC Concepcion Says Something About Charice Pempengco

Tapos na ang auditions ng talent-search show na The X Factor Philippines kung saan host si KC Concepcion, at all set na sila para magsimula this coming June. “Umikot talaga kami (nationwide) we’re very excited to see them na haharapin na talaga [ang competition],” bungad ni KC. Excited din daw siya sa mga napiling judges na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Martin Nievera at Charice.

Ipinagtanggol naman ni KC si Charice sa kanyang mga detractors na nagsasabing kulang sa experience ang international singer para maging judge, hindi gaya nina Gary V at Martin na mga icons na sa local music industry.

“Well, Charice naman had experienced things na hindi naman na-exprience ng marami dito sa Philippine showbiz,” paliwanag ng actress-host. “Siyempre ibang level din ‘yung competition na hinaharap niya everyday ng career niya kasi hindi rin basta-basta ang nakaka-perform siya doon… so kahit papaano sa tingin ko, meron din naman siyang pwedeng ibahagi sa atin na baka hindi natin alam na napagdaanan niya, natutunan niya.”

Dagdag pa ni KC hindi dapat padalus-dalos ang ibang tao sa paghuhusga sa kanilang kapwa. “It’s easy kasi to judge someone na wala tayo don sa pwesto niya. But the international scene is also hard like Philippine showbiz, so baka may iba ring nangyayari na hindi natin alam na naituro at nakatulong kay Charice.”

Samantala, kakagaling lang ni KC mula abroad where she celebrated her birthday. Nagpunta sa Amerika ang dalaga at nag-enjoy nang husto. “Nagpunta ako ng LA (Los Angeles) at Hawaii. Masaya siyempre first time ko ring mag-out of the country for my birthday na parang independent girl na, kasi usually we’d go to the (United) States with my family pero ‘yung ngayon it’s like with friends na, cousins ko, ganon.” Bukod pa rito, pinuntahan din daw siya ng mga kaibigan niya mula sa ibang bansa para magkita-kita.

Sa Hawaii daw ay sinubukan niyang mag-surf for the first time at pinasyalan ang mga magagandang lugar doon. “I wanted to see kung saan nag-shoot ‘yung (pelikulang) Pirates of the Carribean, ‘yung Pearl Harbor, nag-helicopter tour kami. Meron din akong friends na nakilala don… Nag-Disneyland din ako sa LA gusto kong mapanood ‘yung fireworks nila doon,” kuwento ng dalaga.

Nakatutuwa ring ibinahagi ni KC ang kanyang simple wish for her birthday. “When you say birthday wish, I don’t know how to answer that, but it’s sana ‘yung sa work, ‘yung sa health ko. Sana ma-reach ko na talaga ‘yung goal, ma-reach ko ‘yung Bayo-bikini body ko,” sabay tawa niya. “As years go by, ‘yung curves mo mas nagiging curvy, ‘yung Bayo-bikini body ko before na ginawang billboard ma-achieve ko ng safe at hindi yung ginugutom ko ang sarili ko para ma-achieve ‘yon.”

Gerald Anderson and His Team Will Compete sa Hong Kong

Nagsimula sa isang katuwaang laro sa pagitan ng Star Magic at iba pang stars ng ABS-CBN na nasundan ng basketball game sa pagitan ng Star Magic Basketball Team at ASAP team sa taunang Star Magic Games.

Sunud-sunod ang naging imbitasyon ng Star Magic team mula sa iba’t ibang liga sa mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila at mga probinsya.

In-demand din ang team sa mga out of the country invitational games.

Sa ngayon, handang-handa na ang Star Magic All-Star Team sa kanilang unang laro abroad na Basketball, Bidahan, Bolahan sa April 29 na gaganapin sa Southern Stadium sa Hong Kong.

Kabilang sa line-up ng team sina Rayver Cruz, Jason Abalos, Ejay Falcon, Matt Evans, Young JV, Jose Sarasola, Lance Christopher, Joseph Marco, Gerard Acao, Fred Payawan at sa pamumuno ng team captain na si Gerald Anderson.

Kakalabanin nila ang koponan ng mga OFWs na HK Pinoy League.

Para sa tikets at iba pang impormasyon, tawagan si Agie Valle (Wanchai GF/ Jafee Rd. Tel. No. 914-30267), Joy Leigh (World Wide Plaza Shop 347, Tel. No. 252-1078081/912-54583), Emily Veringa (519-10902) or Mignonette (925-71143).

Ang Western Union, Globe Telecom, AirPhil Express, LBC and X-Factor ang sponsors ng event na ito.

Ruffa Gutierrez, Magbabalik Kapamilya Na

Totoo nga bang babalik na sa ABS CBN si Ruffa Gutierrez? Ini-announce na kasi ni Ruffa na sa April 29 ay mapapanood siya sa isang show ng Dos.


Well, totoo nga, na maga-appear si Ruffa sa isang show sa Dos, at mukhang happy talaga siya na makasama ang mga dati niyang Kapamilya.


“To all the Kapamilyas around the world...I’m back!! Watch me this Sunday!” sey pa ni Ruffa sa kanyang Twitter.


Ano kaya ang sey ng TV5 dito, na kung saan ay may kontrata si Ruffa?

Enrique Gil, Ayaw Munang Magpa-Sexy

After showing off his sexy abs in a fashion show for a women’s magazine last year, Enrique Gil said it would probably take a while before he takes on a daring project. “As of now wala muna. Na-pressure lang kasi finale, ako ang ginawa na pang finale. So for the older fans, sige po, [pinanindigan ko yung pagpapa-sexy that night].”

The 20 year-old explained that he just wants to make the most out of his boy-next-door charm and play wholesome roles like the one he’s doing now for Princess And I. “Pero it’s an honor [to be part of that fashion show]. Nag-enjoy ako last year. The crowd was amazing. Gusto ko ulitin pero mas okay na ‘wag muna. I-enjoy ko muna ngayon yung tweetums kasi ‘pag medyo tumanda na, ‘di na pwede.”

Given his role as an aspiring prince in the teleserye, Princess And I, Enrique was part of the cast that flew to Bhutan to shoot some vital scenes. Asked about his experience in what is said to be the “happiest country” in Asia, he eagerly replied, “Ako ang pinakanag-enjoy sa lahat!  Nag-enjoy yung iba, pero after ilang days nagsawa na rin kasi puro bundok, gusto nila may wi-fi.  Ako kasi, sabi nga ng handler ko, kaya ko mabuhay kahit walang cellphone, hindi ko ginagamit masyado.”

Enrique said that trekking in the mountains appealed the most to his outdoorsy nature. “Para sa akin ung sa tigers’ nest ang favorite ko. Nag-trekking kami ng two hours paakyat ng mountain para mag-shoot. May temple dun sa tabi ng cave, kaso hindi kaya ng oras dahil another two hours papunta dun. So dun lang kami sa second point kung saan kita namin yung tigers’ nest. Sobrang ganda! Mahilig kasi ako sa nature, sa mountains, lalo na yung food, puro chili.”

Now that Princess And I is on its second week of airing, Enrique said that the viewers will get to know more about his character, Prince Jao. He added that he doesn’t mind being compared to Kathryn Bernardo’s two other leading men since each of their roles would add spice to the plot. “Naging ready na ako dun sa Way Back Home pa, nung kami nila Albie Casiño (Sam Concepcion would later take on Albie’s role) at Kathryn, napunta ako sa love team nila. So dito, medyo ganon din yung feeling. Kahit na kung sakaling mas gusto [sina Daniel Padilla or Khalil Ramos], ayos lang. Iba-iba kami ng roles at ugali sa story . Pero yung character ko kasi nag-Zonka tapos medyo masungit, sana kumapit sa tao.”

Cristine Reyes, Nagsalita na About Kay Rayver Cruz

Cristine Reyes na mag-comment tungkol sa kasong isinampa ng kanyang ate na si Ara Mina laban sa kanya noong nakaraang Miyerkules sa Quezon City Trial Court.

Na-interview ng TV Patrol si Cristine noong Lunes, April 23, sa Boracay thru Ginger Conejero. Sa ulat ni Ginger, biglaan daw ang naging bakasyon ni Cristine sa Boracay kasama ang malalapit na kaibigan. Ayon kay Cristine, “Basta have fun lang, what they say you only live once, live life to the fullest.”

Isa ring nilinaw ni Cristine ang tungkol sa isyung diumano’y may problema ang relasyon nila ni Rayver Cruz. Tinawanan niya ang isyung ito at ayon pa sa kanya, “Super okay kami ni Ray, andaming nagtatanong kasi wala siya rito. Eh kasi, trip namin ‘to ng friends  ko.”

Miss na raw niya ang boyfriend na nasa Star Magic tour pa sa U.S. Nasasabik na raw siyang makita ito dahil may mga regalo raw ito sa kanya. Aniya, “Mga belts, at tsaka ‘yung mga food, ‘yung mga trail mix, ‘yung mga ganu’n, ganu’n.”

Sa kabilang banda, masayang-masaya naman si Cristine sa nalalapit na paggawad sa kanya katuwang si Anne Curtis ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng Box-Office Queen para sa No Other Woman. Pagmamalaki niya, “So far, ‘yun ‘yung biggest achievement ko this year so I’m very, very thankful kay God.”.

Sure na ‘to

Cristine Reyes, Nakilala ng Husto si Piolo Pascual

PATOK ANG tambalang Piolo Pascual at Cristine Reyes sa mga manonood kaya marami ang sumusubaybay sa kanilang “forbidden” love story sa primetime teleserye na Dahil sa Pag-Ibig. In the series, Piolo plays Father Alfredo Valderama (Osorio), the adoptive son of Leo and Cindy, who fell in love with their only daughter Jasmin (Cristine).

Their bittersweet romance reminds me of The Thorn Birds, a 1977 best-selling novel by Colleen McCullough, which was adapted as a television mini-series starring Richard Chamberlain and Rachel Ward in 1983.  Sa kuwentong ito, ang guwapong Irish Catholic priest na si Father Ralph de Bricassart ay ang object of desire and affection ng lead character na si Meghann “Meggie” Cleary.

Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph, naging close sina Piolo at Cristine dahil sa kanilang top-rating series kaya pangarap ni Cristine na si Piolo naman ang kanyang maging leading man sa susunod niyang pelikula.

She only has good words about him. “Gusto ko siya kasi parang ang sweet niya. Kunwari wala naman sa eksena tapos kakausapin niya ako. Basta minsan parang kikiligin ka sa kanya ‘pag may ibang ginagawa na hindi siguro niya alam na nakaka-kilig.”

Dahil sa kanilang teleserye ay nagkaroon si Cristine ng pagkakataon na makilala nang husto kung sino talaga si Piolo. “Nakilala ko lang siya ngayon and doon ko na-discover [na] iyon pala iyong Piolo na nakikita ng ibang tao, kasi ngayon ko lang siya nakatrabaho.”

Umaarangkada ngayon ang showbiz career ni Cristine. Tumabo sa takilya ang kanyang pelikulang No Other Woman with Anne Curtis and Derek Ramsay noong isang taon. “Nagkaroon ako ng dream na sana magkaroon ng movie pero hindi ko na-imagine in my wildest dreams na magkaroon ng blockbuster movie, so it’s a blessing for me. Hindi ko na-imagine na aabot ako sa ganito kasi ambisyon lang siya until nagtuluy-tuloy na, so thankful na ako.”

Cristine was recently hailed as one of the Box-Office Queens (together with Anne) at the 43rd Box-Office Entertainment Awards of the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Monday, April 23, 2012

Xyriel Manabat: Most Popular Female Child Performer

Pinarangalan kamakailan bilang Most Popular Female Child Performer ang Kapamilya child wonder at Wansapanataym featured star na si Xyriel Manabat sa katatapos lang na 43th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Ang Award ay iginawad para sa natatanging pag ganap ni Xyriel bilang Ana Manalastas Sa Teleseryeng 100 Days to Heaven. Samantala, patuloy ang pagpapasaya at pag bibiga-aral ni Xyriel tuwing Sabado sa kanyang month long Wansapanataym special.

Sa kanyang  pangalawang episode na pinamagatang Sandy and the Magic Sandok, bibigyang buhay niya ang karakter ni sandy, isang mapag mahal na anak na laging tumutulong sa karinderya ng kanyang ina.

Makakasama ni Xyriel sa Sandy and the Magic Sandok sina Precious Lara Quigaman, Lito Pimentel, Rubi-Rubi, Brenna Peniaflor, Joebert Austria at Hermie Concepcio. tampok sina din sa episode ang boses ng isa pang Kapamilya child wonder na si Mutya Orquia bilang si Magic sandok'.

Ang episode ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Tods Sanchez-Maridcal. Ang Wansapanataym ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "bida Best Kid" na naglalayong isulong angkapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng pag gawa ng mga programang nagpapakita
ng mabuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Cristine Reyes Napraning Lang Daw Kay Rayver Kaya Pinag-Initian si Ara

As of Press time ay tahimik pa rin si Cristine Reyes at wala pang reaksiyon hinggil sa demandang isinampa sa kanya ng nakakatandang kapatid na si Ara Mina.

Kaya naman, habang nananahimik siya ay kung ano-anong haka haka ang naglalabasan kung bakit nagawang i-text ni Cristine nang ganu'n kasasama ang kanyang ate.
Say ng isang kasamahan sa panulat, Mahal na araw daw pinagte-text ni Cristine si Ara kaya hindi man lang daw nangilin ang young actress.

Say naman ng isa ring kolumnista, baka raw napapraning that time si Cristine dahil nga hiwalay na sila ni Rayver Cruz.

"Hindi na yata tumawag sa kanya si Rayver at hindi rin nya mahagilap kaya ang ate nya siguro ang napgdiskitahan," say ng reporter.

Ayon naman sa isang matagal nang nakakakilala kay Cristine, noon pa talaga ay maldita na ang young actress at iba raw talaga ang ugali.
Ang isa namang  publicist na nakabasa ng mga text messages ni Cristine na nasa affidavit ni Ara ay nanlupaypay dahil kahit daw sinong tao pa ang
sabihan ng mga ganu'n kabibigat na pananalita ay hindi mate take.

"Ang nakakaloka pa, may text messages pang sinama nya (Cristine) ang Diyos, bakit sya ganu'n?" say ng publicist.

Sa totoo lang, halos lahat ng makabasa ng text messages diumano ni Cristine kay Ara ay shocked na shocked at hindi agad maka-get-over sa shock dahil grabe naman talaga. Ang lupit! Kaya ang tanong ng lahat ay kung bakit ito nagawa ni Cristine sa kanyang ate dahil kahit sabihin pang hindi maganda ang relasyon nila, maling mali pa rin na alipustahin niya nang ganu'n ang pag ka tao ng kahit na sino, kahit hindi pa niya kapatid.
   

Sarah Geronimo, Lubos ang Paghahanda For Her Birthday Concert

This early ay  naghahanda na si Sarah Geronimo para sa kanyang birthday blow-out sa july na isang bonggang major concert. Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah kaya naman inaabangan na ng kanyang mga tagahanga ang susunod niyang konsiyerto.

Ayaw pang magbigay ng detalye ng kampo ni Sarah para sa nasabing Big Event na ito pero ayon sa manager  niyang si Mr. Vic Del Rosario,  mamamangha ang mga manonood  ng birthday concert ni Pop Star dahil sa mga kakaibang gagawin nito.

Si Sarah G. din ang kumanta ng theme song ng ABS-CBN  Summer Station ID kasama ang nababalitaang boyfriend  niya na si Gerald Anderson.
May mga nagtatanong din kung sa b-day concert daw ba nito aaminin ni Sarah na sila na talaga ni Gerald?

Samantala, kasabay ng preparation sa big-concert, abala rin ang dalaga sa pagsu-shooting ng movie nila ni John LIoyd Cruz na third installment
sa naunang dalawang box-office hits nila na A Very Special Love and You Changed My Life.

Balitang July ang target play-date ng pelikula na ngayon pa lang ay hinihintay na ngmarami. May isa pang malaking endorsement si Sarah na dapat
ding abangan.

Mario Maurer Described Erich Gonzales a Crazy Woman

Kamakailan ay tumungo si Erich Gonzales sa Thailand para sa pictorial of her upcoming movie with Thai superstar Mario Maurer na may tentative title na Suddenly It’s Magic. Ordinaryong Pilipina ang gagampanan ni Erich na makikilala ang isang sikat na sikat na artista sa Thailand na gagampanan naman ni Mario. “He gets very bored of the career he has made and one day he just decided he wants to go to (the) Philippines and that’s where the magic starts and met Erich,” kwento ni Mario about his character.

Dalawang major locations isu-shoot ang pelikula, ang isa ay sa Ilocos at sa Bangkok, Thailand.

Kahit pangalawang beses pa lang ang pagkikita ng dalawa, halatang komportable na sina Erich at Mario sa isa’t isa. Paglalarawan ni Erich kay Mario, “He is very warm and welcoming since I’m here in his country.” Aliw na aliw naman si Mario sa bubbly personality ni Erich. “She’s very funny, she’s not like any other woman. (She keeps) joking, she can rap and do beat boxing.” Crazy nga kung ilarawan niya ang aktres.  “She told me that she’ll teach me, like climbing up the tree and the coconut. By far (Erich is) the most playful one. She’s so happy to be with.” Nang tanungin ng The Buzz team ang aktor kung willing ba niyang i-date si Erich, ang sagot ni Mario, “Yeah, of course.”

Isang malakas na halakhak naman ang tugon ni Erich dito dahil alam niyang may girlfriend ang kanyang leading man. “Everybody knows that he has a long time girlfriend and I really admire their relationship and we’re here to work, to have fun and we’re good friends.” 

Wala pang playdate ang upcoming movie na ipo-produce ng Star Cinema at ididirek ni Rory B. Quintos.

Kim Chiu, Inilarawan ang Mga Boys na Nalilink sa Kanya


Maraming blessings ngayon si Kim Chiu dahil bukod sa nakalinyang mga projects niya ay mapararangalan din siya sa nalalapit na Guillermo Mendoza awards sa pagkakapili sa kanya bilang Princess of Philippine TV.

Kahit na lumaking malayo sa mga magulang dahil hiwalay ang mga ito, naging maayos si Kim dahil nasa tabi niya ang mga kapatid at ang kanyang lola. Gayunpaman, hindi raw siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang mga magulang. “Never, hindi talaga. Siguro sandali lang, parang nagtanong lang ako kung bakit, pero ito ang buhay mo, ito ang destiny mo, tinuturuan ka kung paano tumayo ng sarili and to stay strong.”

Upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya nangarap at nagsikap si Kim kaya nanalo siya sa unang Pinoy Big Brother Teen Edition. 

Samantala, inilarawan naman isa-isa ni Kim ang mga lalaking nali-link sa kanya. Aniya, friend ang turing niya kay Enrique Gil na diumano’y nanligaw sa kanya. Pero ang paliwanag ni Kim, “Kaibigan lang talaga siya.” Minsan daw ay nagkakatextan sila at hindi niya alam kung saan galing ang mga issue na nililigawan niya ng aktor.

Long-time friend naman ang paglalarawan niya kay Gerald Anderson. “Okay naman, masaya naman kami sa kanya-kanya naming buhay,” sabi ng aktres. Huli raw silang nagkita noong nagkaroon ng show ang Star Magic sa sa Hawaii.  Simpleng batian lang daw ang nangyari sa kanila recently. May gagawing pelikula sina Kim at Gerald para sa Star Magic anniversary at naging matipid naman ang sagot ni Kim nang matanong kung ano ang reaksyon niya sa pagsasama nila. “’Pag trabaho, trabaho. Siyempre kailangan namin gawin ‘to. Okay naman. We’re okay, we’re good friends.”

Good friend naman daw ang turing niya sa kanyang present on screen partner na si Xian Lim. Kinumpirma rin ni Kim na si Xian ang nagpadala sa kanya ng magarbong bulaklak ang mag-birthday siya last week. Pagdating daw niya ng bahay ay punong-puno ito ng roses. Para naman sa kanilang mga taga-hanga, nabanggit din ni Kim na mayroon din silang upcoming movie ni Xian under Star Cinema. 

Ibinuking din ng malapit na kaibigan ni Kim na si Enchong Dee sa video birthday message nito na pinalabas sa The Buzz, na may mga nanliligaw ngayon kay Kim na showbiz at non-showbiz. “Basta I’m happy, 100 percent happy and thanks sa lahat-lahat ng nagpaparamdam sa akin na mahal nila ako. “

Nang tanungin siya ni Charlene Gonzales kung ano ang hanap niya sa lalaking magpapatibok ng kanyang puso, ang sagot ni Kim. “Sincerity, faithfulness, kabaitan. Basta alam kong mas mahal ako.”

KC Concepcion Believes That Cloie Will Talk to Gabby Someday

Sinagot ni KC Concepcion ang isyu kung saan involved ang kanyang ama na si Gabby Concepcion at ang kanyang half-sister na si Cloie Syquia-Skarne. Sa isang panayam kasi kay Gabby Concepcion sa presscon ng bago niyang pelikula under Regal Films, nabanggit nito kung gaano siya nasaktan na ayaw siyang kausapin ng anak niya sa dating model-actress na si Jenny Syquia. “There were many chances sana (na magkita kami) because tumatawag din ako kay Boss Vic (del Rosario of Viva kung saan talent artist si Cloie), humihingi ako ng tulong kay KC, pero nung nakausap niya si Cloie, ang sabi ni Cloie, ‘I’m not ready.’ Masakit ‘yon talaga, nasaktan ako.”

Para naman kay KC, ay hindi naman niya mapipilit ang kapatid dahil alam din naman daw niya kung bakit ganoon ang reaksyon nito tungkol sa kanilang ama. Ayaw din daw niya na lumabas na mayroon siyang pinapanigan. “I understand Cloie, I understand her but siguro mas maganda kung ‘di muna ako gumitna. It’s enough na meron akong relasyon with Cloie bilang kapatid niya. It’s enough na mayroon akong relasyon bilang kapatid niya, pagdating kay Papa nasa kanila na ‘yon. When Cloie’s ready she will know and I’m sure mabait naman ‘yon, she’ll know what to do.”

Ang isa pang anak ni Gabby na si Garie ay sumangayon naman kay KC ukol dito. “It would be a nice occasion for all of us to meet. Siyempre I know, it’s always a dream of Papa na makasama niya lahat ng mga anak niya. Timing lang talaga.”

Samantala, nalalapit na ang pagsisimula ng The X Factor Philippines na kung saan main host ng programa si KC. Sinagot din ng dalaga ang isyung baka magkatapat pa sila ng programa ng kanyang inang si Sharon Cuneta sa na magho-host din ng isang talent show sa ibang estasyon. Hindi naman nababahala dito si KC at dahil likas daw mahilig ang mga Pilipino sa talent search kaya’t marami naman ang susubaybay sa parehong programa. “There’s room for more singing competitions. Happy kami.”

Sunday, April 22, 2012

Vice Ganda, Nagsalita Na Tungkol sa Pagreresign ni Direk Bobet sa It's Showtime

Dalawang awards ang matatanggap ni Vice Ganda sa upcoming Guillermo Mendoza Scholarship Awards –  ang Phenomenal Box Office Star at Best Male Concert Performer. Sa kabila nito, binabato pa rin ng intriga ang komedyante, partikular na ang lumabas na isyu kamakailan na diumano’y siya ang dahilan kung bakit na chismis na nag-resign ang direktor ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes. Sa ngayon naman ay na chi-chikang nag-iiwasan sila ng direktor.  “Alam mo kung bakit hindi ko ‘yan masagot nang direkta, kasi kapag sinagot ko ‘yan parang dinidepensahan ko ang sarili ko na dapat hindi manggaling sa akin ‘yan,” sagot ni Vice sa panayam sa kanya ng The Buzz. “Totoong nawala ako sa (It’s) Showtime dahil unang-una meron akong tour sa Middle East na araw-araw kong pino-promote sa (It’s) Showtime.” Dagdag pa niya alam ito ng pamunuan ng show at ng TV station.

“’Yung issue namin ni Direk Bobet hindi ako ang dapat magpaliwanag, si Direk Bobet ang dapat n’yong tanungin at siya rin ang dapat sigurong magsalita kung siya ba ay nag-resign at iniwan ang programa namin dahil sa akin,” depensa ni Vice. “Iba kasi ang lugar ng direktor, wala naman siya sa studio, kaya hindi talaga nagkikita-kita. Ang totoo hindi kami nag-away, wala kaming isnaban, wala kaming ganon. Pero hindi rin kami nagkikita. Ayokong sabihin na sweet kami, okay kami kasi ‘di naman kami nagkikita. Ayokong magpakaipokrita, ‘yun lang ang ipinagmamalaki ko sa mundong ito.”

As of press time ay hindi pa raw nila napag-uusapan ni Direk Bobet ang isyu sa kanilang dalawa. “Wala naman dapat iesplika sa akin si Direk Bobet, wala siyang dapat sabihin o ipaliwanag kasi kaming dalawa alam naman namin ang totoong nangyayari.”

Bukod pa rito ay iniisyu rin si Vice na mayroon siyang iringan sa iba niyang co-host sa It’s Showtime. “Kung sinasabi nila na mahirap akong katrabaho, nakaaway ko ang buong pamilya ng (It’s) Showtime hindi rin ako ang dapat magpaliwanag kasi magmumukhang sinasalba ko ang sarili ko. Tanungin n’yo si Anne (Curtis), si Vhong (Navarro), si Kuya Kim, ‘yung mga kasamahan ko (kung) naging pabigat ba ako sa kanila. Nag-away-away ba kami? Nagkaroon ba kami ng problema? ‘Pag nasagot nila ‘yon, ‘pag nasagot ni Direk Bobet, tapos na ang isyung ito.”

Aminado si Vice na apektado rin siya sa mga lumalabas na isyu laban sa kanya pero mas pinipili pa rin niyang maging positibo sa kabila ng mga pang-iintriga. “Nasasaktan, tao ako ‘no. Para naman napaka-ipokrita kapag sinabi kong hindi, hindi ako nasasaktan. Masyado naman akong nagtitigas-tigasan, pero wala naman akong magagawa kundi piliin ko na lang na maging mas positibo sa likod ng mga bagay na ito. Nasasaktan ako pero hindi ‘yan magiging dahilan para mabawasan ang mga ngiti ko.” 

Robi Domingo, Hinahangaan Sina Toni at Bianca

As part of Pinoy Big Brother’s select group of celebrity hosts, former housemate Robi Domingo admitted he felt very privileged to chosen as one of the PBB Teen Edition hosts along with John Prats. Robi revealed that at first he felt intimidated to be working with PBB’s veteran hosts Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez, but he has also learned a lot from them.

“At first, there was a certain fear na you feel your this tiny compared to them. Sino ba hindi luluhod sa mga goddess ng PBB? Yun yung ginawa ko eh. As the days progressed, they instilled this code na hindi naman nila sinabi sa akin pero they taught me this code through their actions, that the most important thing that a host must do is not to open his mouth  but to listen. And with listening you get to really talk to the person,” he told us.

Robi admitted that he had to sacrifice his summer plans with his family in order to grab the chance at hosting PBB Teen Edition, but he does not regret missing out because he says he can always go on vacation when the season is over. “For Holy Week I had hoped that I could go to Canada to visit some of my relatives there but because of plans for the launching of PBB Teens, it will be cancelled pero okay naman kasi this time around I’ll be hosting with JP (John Prats) so I’m also very much happy and excited about that,” he said.

After coming out of the PBB house in 2008, Robi honed his hosting skills as a VJ on MYX and a host on ASAP. The 22-year-old said he has definitely grown as a host because of all these experiences. “It was hard at first. When I auditioned for MYX I didn’t actually know that they were going to accept me. Before I had just a simple dream of being like my classmate when I was in grade school when he was a hosting a certain event. I told myself I want to be like that guy on the stage. I was happy with the idea of getting so much attention before. Tapos mahirap talaga kasi I was too shy, bulol-bulol pa ako, I couldn’t really find the words when I’d be on stage na tapos I couldn’t talk to the opposite sex pa so that was really a big dilemma for me. And then sa loob ng bahay ni kuya I was the silent type kasi yun nga, I don’t know how to talk to people. I don’t know what to bring up first. Tapos yun, through my experiences inside the house, natuto naman ako. And from there naisip ko na kaya naman pala,” he said.

Robi admitted that he was really looking forward to meeting the newest batch of teen housemates after being part of PBB Teens himself. “First of all, ito talaga yung show na kinalakihan ko. Dito it’s not puro seryoso. I’m also more familiar with this format and everything since I came from that show. I could say na alam ko yung mga pagdadaanan ng mga teen housemates this coming season,” he said.

Robi said that he only has one piece for advice for the teens inside the PBB house right now. ”My sole answer would forever be is just be yourself. I don’t have any particular goal or game plan in store for you, just be yourself and at the end of the day, people will like you no matter who you are,” he said.

Enchong Dee at Xian Lim Wala Raw Competition

Kagagaling lang ni Enchong Dee sa Star Magic shows kung saan nagbigay sila ng kasiyahan sa mga OFWs sa iba’t ibang bansa. “Andami naming nakitang mga kapamilya na antagal-tagal nang gustong makita kami, antagal-tagal nang hindi nakauwi ng Pilipinas. ‘Yung koneksyon nila ‘yung TV lang, so nakakatuwa na nakita namin sila,” kuwento ng aktor.

Aniya, nagkaroon din daw siya ng oras upang maka-bond ang mga kapwa artista at lalo pang pagtibayin ang kanilang pagkakaibigan, kagaya nina Gerald Anderson at Rayver Cruz. “Hindi ko akalain na magiging close kami. Nag-start sa Canada pa, tapos ngayon dire-diretso [ang pagiging close]. Mabuti na lang may mga ganitong chance na hindi parte ng trabaho, nakakalabas kami bilang kami.”

Excited naman si Enchong sa ginagawa nilang pelikula ngayon, ang The Reunion kung saan makakasama niya sina Xian Lim, Enrique Gil, at Kean Cipriano. Paniniyak pa ni Enchong makikita nila sa pelikula kung gaano sila naging close. “Dun nila makikita sa pelikula kung ano ‘yung pagkakaibigan,” aniya.

Samantala, nakukumpara naman ngayon si Enchong sa co-star niya sa pelikula na si Xian na sa kasalukuyan ay nagiging maganda ang takbo ng career. “Hindi mo maiiwasan [ang pagkukumpara] kasi kumbaga sa mga ginagawa namin parang nagkakasabay and masaya lang kami kasi may mga sumusuporta sa amin na hindi nawawala,” positibong sagot ni Enchong.

Paniniyak pa niya, walang kumpetisyon na nangyayari sa kanilang dalawa ni Xian. “Wala namang kompetisyon sa aming dalawa. Sa ibang tao they look at it like that pero okay kami, cool kami.”

Nang kamustahin naman sila ni Julia Montes, sinabi ni Enchong na patuloy pa rin ang pagsuyo niya sa dalaga. Nabigyan nga raw sila ng pagkakataon na bigyan ng oras ang isa’t-isa sa ginanap na tour abroad. “Nagkasama kami sa Hawaii, konting bonding pero after that naghiwalay din kasi separate tour.” Nagdiwang ng birthday kamakailan si Julia at kinumpirma ni Enchong na binigyan niya ng gift ang dalaga pero ayaw niya itong ihayag.

Samantala, tiniyak din ni Enchong na maayos ang relasyon nila ng kanyang dating leading lady na si Erich Gonzales. Kamakailan kasi ay nagkaroon ng isyu na may hindi pagkakaunawaan daw ang dalawa.

Paliwanag ni Enchong, sa kahit anumang relasyon ay hindi mawawala ang mga ganoong hamon pero masaya raw siya kasi nakaya nila iyon lampasan at masolusyunan. Willing naman daw siyang makatrabaho muli si Erich at baka  mangyari raw ‘yon sa susunod na taon.

Ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Di Natuloy ang PagbabalikTambalang Sharon-Gabby

Nagkaka-bonding ang tatlong anak ni Gabby Concepcion na sina KC, Garrie at Cloie. Pero bakit hindi nakipagkita si Gabby kay Cloie (anak nila ni Jenny Syquia)?

"timing lang, everything is timing. There will come a time na siya naman ang maghahanap....katulad ni KC at ni Garrie, sila na mismo ang naghanap sa akin."

Tinatanong daw ni KC si Cloie kung gustong makipag kita sa ama pero hindi pa raw ito ready kaya inirerespeto 'yun ni Gabby.

Samantala, Viva ang nagha-handle ng career ngayon ni Gabby. Pano  siya pinayagan na gawin ang The Mommy Returns na pelikula ng Regal Entertaiment, Inc. ni  Mother Lily Monteverde na showing on May 9? "Okay lang. kasi nauna 'yung Regal, eh. Bago pa ko pumirma sa Viva, ang offer ni Mother nan dun na noon pa, hindi lang nagagawa pa. Verbal 'yun, it was a verval agreement,"

Kailan naman kaya matutuloy ang plano na pelikula nina KC at Sharon Cuneta?

" Yun ang hindi ko alam kung kailan kaming tatlo although marami ang nagri-request sana. Sabi ko nga kay boss Vic ( del Rosario ng viva), 'Boss Vic, Okay 'yan, basta gumawa tayo ng istorya, basahin natin yung istorya, tapos, tignan natin kung okay 'yung  istorya.

 " Kasi importante talaga 'yung istorya, sa tingin ko, ha? Eighty-five to 90% nasa istorya, eh 'pag gumawa ka ng pelikula. Sa tingin ko lang, ha, maybe wrong, pero case-to-case rin, 'no? " kung minsan, nasa comedy nila kung paano mae-execute 'yun, kung comedy. Kung drama, talagang dapat meron kang paghuhugutan, tapos
meron  kang susundan na mga eksena. Istorya ang kailangan sa drama, eh so depende kung  ano ang gagawin namin. Drama ba ang gagawin namin, o comedy or Musical, puwede rin, eh. Ako  pa  naman napakagaling kong sumayaw," bulalas ni Gabby.

May posibilidad pa rin ba na  matuloy ang balik-tambalan nila ng Megastar? Bakit hindi natuloy this year ang sana'y pagsasama ulit nila Sharon sa pelikula?

" Dahil ayoko raw, whatever reason. Ang totoong dahilan nu'n is manganganak yung misis ko. Siyempre, iba na ang buhay natin ngayon. Noong araw, hindi natin pinag uusapan

'yun mga relasyon ng mga artista, hindi pinag uusapan, it's no-no! "Eh, ngayon, kahit na anong pag usapan mo, okay lang. In fact, it frees you, it opens you up to become more real.

Wala kang itinatago kasi habang itinatago mo, lalong hinahalungkat nila, eh. Eh, di ilabas mo na lahat. " ang misis ko manganganak, ayokong sabihin ng tao na bigla akong aalis  papuntang amerika, iniwanan kong nakabitin  'yung pelikula namin ni Sharon. Ayoko rin na merong love angle kami ni Sharon tapos 'yung misis ko, eh, buntis. So, maraming consequences,  eh. "Aalis ako papuntang amerika dahil doon siya manganganak. Bitin ang pelikula, 'Si Gabby, hindi tinapos, ayoko ng ganu'n. Or Ano ba naman 'yang si Gabby, nakikipag-ano kay Sharon, eh, happy na siya kay senador, may mga anak na sila!' "tapos, si Gabby, hindi na natigil 'yun....'Eh, ayoko ng ganu'n.

"Iniisip ko lang yung worst case scenario. Kaya sabi ko. 'Boss Vic, para walang gulo, huwag na muna this year, next year na, hintayin muna nating manganak 'yung misis ko.'

"Kawawa naman 'yung misis ko dahil  nangyayari ang lahat ng ito, eh, ang emotions ng misis ko, hindi ko na napapansin. Kawawa naman,'di ba?  Sa July manganganak ang asawa ni ni Gabby. " Kaya alangan, kasi  'yung pelikula, uumpisahan ng May, hindi matatapos ng June 'yan,  tutuloy ng July, eh, manganganak na ung misis ko, iiwanan ko. Sasabihin, 'Si Gabby, binitin ang pelikula, iniwanan, nag walk-out!' Naku, ayoko na ng ganu'n!" May nagtanong  kay Gabby, kung  ano ang masasabi nya sa isyung umayaw siya sa project dahil "very healthy" si Sharon at hindi sila bagay?

"Nagagalit daw si Sharon dahil kung sino-sino nang mga artista ang tumanggi sa kanya, tapos ako rin? So, doon na siya nagalit nang husto?

 Wala namang katotohanan 'yung misis ko, buntis. " Ako mismo ang nag sabi kay Boss Vic. Sabi ko, Boss Vic, next year nalang.  'yung asawa ko, buntis, hindi naman tama na ganitong anggulo kami ni Sharon, tapos 'yung asawa ko, buntis, kawawa naman."

Hindi rin daw totoong umalis siya sa TV5 nang lumipat doon si Sharon at siya ay bumalik sa ABS-CBN.
Tumawa muna nang tumawa si Gabby bago ito sumagot, "Hindi naman ako contract star ( ng TV5 ) maski noong una. Viva ang aking pinirmahan, as management.

May partnership sila kasi 'yung huling teleserye ginawa namin, 'yung PS I Love You is owned....the title is owned by Viva, but the production is a co-venture,  co-production ng 5 and ng Viva. "So ako, talent ako ng Viva, kinuha ako ng Viva pero ang kontrata, na kay Vic del Rosario at Channel 5."  paglilinaw pa ni Gabby...