Sunday, December 4, 2011

Angeline Quinto Kabado sa Movie Nila ni Coco

Chika ni Charm Reyes

Ilang araw pa lang ang movie nila Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa takilya at tumatabo na talaga ito. Kaya naman, masayang-masaya sina Sarah at Gerald sa naging resulta.

May narinig kaming chismax na kabado raw si Angeline Quinto para sa magiging resulta ng kanilan pelikula ni Coco na "You Light Up My Life." First movie ito ng Pop Belter at first din syang sasabak sa acting, kaya't natural lang na kabahan sya.

Hindi malabong pagkumparahin nanaman ang movie nya at movie ni Sarah ng kanilang mga fans. Pareho silang magaling, kaya't dapat pareho lang natin silang suportahan.

Marami na ang excited na mapanood ang pelikula ni Angeline at Coco. Inaabangan talaga nila kung pano umarte ang biriterang si Angeline.

Para kay Angeline, relex lang. Maraming sumosuporta sayo at siguradong magiging matagumpay ang "You Light Up My Life."

No comments:

Post a Comment