Tuesday, December 20, 2011

Dahil sa Tweet ni Valerie Conception, President Noy, Binatikos

Chika ni Esmer Limatog


Agad-agad nakatikim ng panlalait si pangulong Noynoy Aquino dahil sa simpleng tweet ni Valerie Concepcion nang kumanta sa Christmas Party ng Presidential Security Group (PSG) last Sunday night (kumanta si Valerie ng tatlong beses). “Done w/ work. Tnx for having me.. :) It was nice to see Pres. P-Noy laughing at my jokes & enjoying my performance..ü #Malacañang #PSGNight.”

Ayon na, doon na nag-umpisang kumalat ang nasabing tweet at na-retweet na nang naretweet. Hanggang nag-trend na ito.

Instant nega ang presidente dahil ang feeling ng mga nakabasa, nagagawang magsaya ng pangulo habang nag-aagaw buhay ang maraming mga taga-Mindanao dahil sa bagyong Sendong.

Pero mabilis ang naging depensa ng mga kapatid ng pangulo na sina Kris Aquino, Pinky Aquino-Abellada and Ballsy Aquino-Cruz kahapon.

Sa report ng ABS-CBN.com, inere pala sa programa ni Kris na KrisTV na bibisita naman ang kapatid nilang pangulo sa Cagayan de Oro, isa sa mga lugar na grabeng tinamaan ng bagyong Sendong.

“Talagang pinaplano na nga ng Pangulo na pumunta sa CDO. Alam mo kapag pangulo ka, hindi ura-urada ay gagawin mo ‘yun at saka titignan lahat. Pero narinig ko na pinag-uusapan na ng PSG at PMS (Presidential Management Staff) kung ano ang gagawin,” sabi sa report.

“Ngayon ‘yun namang party ay matagal nang naka-schedule ‘yon. Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot but then, life should go on. Hindi naman puwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo.

“That party was for the PSG, ang mga nag-aalaga sa Pangulo at sa kanyang pamilya. Tradis­yon ‘yon na talagang every year ay nagsasama-sama. Kasi it’s time to thank them for always being there. At saka alam naman nating lahat na binibigay nila ang buhay nila para mapangalagaan ang Pangulo. At talagang nasa Constitution na dapat mapangalagaan ang Pangulo. Kung di man sa Constitution, there’s some law,” paliwanag ng sister ni P-Noy.

Naghahanda na raw noon pang Sabado ang presidente, sabi naman ng isa pa nilang kapatid na si Ms. Pinky.

Say naman ni Kris : “I think hindi n’yo po maiaalis sa amin na gusto naming i-depensa ang kapatid namin. The entire night, also Saturday, when we were together, he was constantly on the phone monitoring everything. I think today ang pagpunta ko although I’m going with ABS-CBN. I’m also representing him. I think in many cases talaga, the three of us were able to do that and also there are a lot of security concerns as well.

“Pero siguro hindi n’yo maiaalis sa amin na sabihin namin na it’s not like he doesn’t care. Give me a break, ‘di ba? Siyempre pangulo siya ng Pilipinas at mahal niya ang ating mga kababayan. So siyempre, gagawin naman niya ang lahat.

“Sana huwag napakabilis ng batikos kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na. It’s just that a President is not like you or me na we can hop on a plane and go there because there are a lot of national concerns,” mahabang depensa naman ni Kris.

Galit kaya ngayon ang three sisters kay Valerie na mabilis na nag-apologize sa kanyang pagti-tweet?

“I just want to clarify that I was invited to perform at Malacañang’s Christmas Party for their employees with their husbands/wives and kids. Yes, the President attended the gathering.

“I do not see anything wrong with that since it’s his obligation and responsibility being the head of Malacañang to be present and show his support for his hardworking employees and their respective families. But I believe that it doesn’t mean that the president is not thinking of ways to help our kababayan(s) in Mindanao.

“It doesn’t mean that the president is disregarding the plight of our fellow Filipinos. Let’s not be too quick to judge. But if I, in any way, offended you guys and sounded insensitive, I am very sorry.

“It wasn’t my intention to do either. I can’t imagine how difficult life is for the people affected in Mindanao and how difficult it is to be the president of the Philippines at this moment. Once again, I am very sorry for all those people I have offended. May God bless us all,” ang tweet ni Valerie.

Naku marami na talagang napapahamak sa pagti-tweet ha.

No comments:

Post a Comment