KINUMPIRMA MISMO ni Vina Morales na nagkabalikan na ang kapatid na si Shaina Magdayao at ang boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. Nagsimula ang kumpirmasyon kay Kuya Germs na sinang-ayunan naman ni Vina. Ayon sa singer, ‘di na niya ikinagulat kung nauwi sa pagbabalikan ang dalawa dahil nakita naman niya kung gaano kaganda ang tratuhan ng dalawa at kung gaano kalalim ang concern ng mga ito sa isa’t isa.
Sa tanong namin kung ‘di ba siya nagkaroon ng tampo sa aktor dahil nasaksihan niya kung gaano nasaktan ang nakababatang kapatid sa pag-hihiwalay ng mga ito, nilinaw sa amin ni Vina na kahit kailan ay ‘di siya nagkaroon ng sama ng loob kay John Lloyd, malungkot lang siya dahil nakita niyang nalungkot nang sobra si Shaina. Pero sini-guro niya sa amin na maayos ang samahan nila ng mahusay na aktor bilang kasintahan ng nakababatang kapatid.
Regular na napapanood sa Nasaan Ka, Elisa?, nagkatambal muli ni Vina si Robin Padilla sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na balitang mataas ang naitalang ratings. Bukas makatrabaho muli ang ex-boyfriend at masaya si Vina dahil bukod sa tanggap pa rin ng publiko ang kanilang tambalan, nakita niya na malaki ang in-improved nila pareho ni Robin bilang indibidwal at bilang magkatrabaho.

No comments:
Post a Comment