AFTER MUNTING Heredera, by January next year, ay regular na namang mapapanood sa telebisyon si Katrina Halili. Ito ay sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na My Beloved, kung saan ka-love triangle siya ni Rhian Ramos (si Rhian Ramos pa ba? – ed) kay Dingdong Dantes.
May pagka-kontrabida ang kanyang role dito. Bakit nga ba tila napako na siya sa gano’ng papel kahit nakapagbida na rin siya dati?
“Hindi ko nga po alam, eh. Bakit kaya?” Natawang biro ni Katrina nang makakuwetuhan namin recently.
Okey lang na puro kontrabida ang character na natotoka sa kanya?
“Wala naman po yata akong choice, eh. ‘Di ba?” sabay tawa ng young actress.
Pero gusto niyang magbida ulit?
“Bakit naman hindi? Sino ba ang ayaw magbida, ‘di ba?”
Palapit na ang Holiday Season. Ano ang plano niya this Christmas?
“Dito lang po ako sa bahay. Tapos baka by January or February po, uuwi ako sa Palawan (sa El Nido kung saan nakabase ang kanyang pamilya). Tingin ko, magi-ging masaya naman ang Pasko ko. Wala naman po akong dapat na ikalungkot, ‘di ba?” nangiti niyang sabi.
May lovelife ba siya ngayon?
“Wala. Matagal na pong wala.”
Anong nakakapigil para ma-inlove siyang muli?
“Wala po. Busy lang po. Wala talaga akong time sa lovelife ngayon, eh. Kailangan ko ng time sa sarili ko sa ngayon,” natawa ulit siya.
Pero may mga manliligaw naman sigurong umaali-aligid sa kanya right now?
“Wala rin. Eh, wala naman po kasi akong time lumabas at mag-entertain. Hindi po ako gumigimik. Sa bahay lang talaga. Ginagawa ko ngayon ‘yong mga ibang bagay na gusto kong gawin. Gaya ng… nag-aaral ako ngayon. Nag-aaral ako ng meat processing. Wala lang. Gusto ko lang. Kasi kapag nasa bahay ako, luto ako nang luto ng kung anu-ano. Eh, nagugustuhan naman ng mga kasambahay ko. Kaya naisip ko, mag-aral nga kaya ako ng meat processing kasi gusto kong gumawa ng mga processed meat.”
And then papasukin niya ang processed meat business?
“Puwede rin po. Para makatulong naman ako sa mga pinsan ko. Etchos!” natawang ending na nasabi si Katrina.

No comments:
Post a Comment