Wednesday, December 7, 2011

Rhian Ramos Nagsalita na Tungkol sa Video ni Mo Twister

Chika ni Louise Allen

Finally, nagsalita na rin si Rhian Ramos tungkol sa mga inilabas na statement ni DJ Mo at sa mga ibinibintang laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon kay Rhian, matindi itong pinagdadaanan niya ngayon dahil sa patuloy na harassment na ginawa ni DJ Mo sa kanya.

Kaya nagsampa na ito ng kasong Rep. Act 9262 o Violence Against Women and Children dahil sa patuloy raw na pangha-harass sa kanya.

Isinampa na ito ni Rhian, kung saan ni-represent siya ng kanyang ina nu’ng kamakalawa lang sa Muntinlupa-RTC.

Matindi nga itong pinagdaanan ni Rhian pero kailangan niyang harapin. Hindi naman puwedeng magmukmok na lang siya sa isang tabi. Tuloy ang buhay, kailangan niyang magtrabaho at suportado naman siya rito ng GMA-7.

Kaya tuloy pa rin ang pelikulang gagawin niya sa GMA-7 na Contravida Girl at ang drama series nito kasama si Dingdong Dantes.

Ang alam ko, wala na rin naman dito si DJ Mo, at nasa New York na raw. Ang sabi, babalik siya rito bago mag-Pasko, pero ewan ko lang dahil tiyak na tatambakan ito ng katakut-takot na kaso.

Idedemanda siya ng pamilya ni Rhian, at baka pati na rin ang GMA-7 dahil idinamay niya ang network sa lumabas na video.

Abangan na lang natin kung ano ang susunod na magaganap. Hay, naku!

No comments:

Post a Comment