Friday, January 13, 2012

Angeline Quinto, Nililigawan si Coco Martin

LABIS ANG paghanga ni Angeline Quinto kay Coco Martin. Tuloy, nabibigyang-kulay ang kanilang pagkakaibigan. Ang dalaga na raw ang mismong nanliligaw sa aktor na agad binigyang-linaw ng Star Power grand champion.

“Ipinapakita ko lang ang nararamdaman ko, talaga namang may paghanga ako. Alangan namang magpakaplastik ako,” pangangatuwiran niya.

Kahit hayagan ang sinasabing pagkagusto ni Angeline kay Coco, hindi ito binibigyang-malisya ng magaling na aktor. Ayaw kasi niyang isipin ng publiko na gumigimik lang silang dalawa dahil magkasama sila sa pelikulang You Light Up My Life under Star Cinema. Maingat si Coco pagdating sa babae lalo’t taga-showbiz. Hindi ba’t super emote si Maja Salvador sa binata para lang mapansin na nauwi sa suntukan nina Coco at ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

May tsika, may non-showbiz girlfriend na si Coco kaya’t malabong ma-develop to something ang friendship mayroon sila ngayon ni Angeline. May trauma na siyang makipag-relasyon sa kapwa niya artista. Hindi naging maganda ang first serious relationship niya in the past. As much as possible, gusto ni Coco na maging pribado ang kanyang lovelife. Ayaw nitong kinakalkal at pinag-uusapan ang personal niyang buhay, kaya mailap ito sa media people.

You May Want to Check Out:

Angeline Quinto: Her Life and Amazing Talent

Top 10 Most Favorite Pinoy TV Shows 2011

Battle of the Divas: Celine Dion's All By Myself

No comments:

Post a Comment