Monday, January 23, 2012

Marian Rivera, Gustong Maging Mas Makabuluhan ang Buhay This 2012

NEW YEAR’S RESOLUTION. Ano naman ang New Year’s Resolution ni Marian ngayong 2012?

“Lagi kong sinasabi na gagawin kong mas makabuluhan yung year ko ngayon—hindi bilang artista, bilang tao.

“Kasi gusto kong ipagpatuloy yung pagtulong ko sa Red Cross.

“Kahit…sabi ko, kahit dito lang… Parang nung Christmas, parang yung sa feeding program sa mga streetchildren.

“‘Tapos, nanghingi ako ng mga donations sa mga kilala kong doktor para ipadala sa Cagayan de Oro, yung mga ganun.

“Kahit simpleng bagay lang,” saad ni Marian.

May mga pinuntahan rin siyang mga batang may cancer.

“Oo. Tapos yung sa Follow The Star, yung may bone cancer.

“Parang kahit konti lang na maitulong ko para mas maging makabuluhan yung year ko ngayon, e, gagawin ko.”

Hindi niya ba balak magtayo ng sarili niyang foundation?

“Hindi na siguro, kasi si Dong, e, may foundation na [Yes Pinoy Foundation].

“Siguro tutulong na lang ako.

“Hindi naman porke wala kang foundation, hindi ka puwedeng tumulong.

“Kasi tulad niyan, kinuha ako ng Red Cross, so malaki akong magiging parte nila sa Red Cross.

“Ako naman, kay Dong din, hati din naman.

“Kapag kailangan naman niya ako, nandun din ako sa Yes Pinoy Foundation niya.

“So, puwede naman.”

We Recommend:


Top 10 Gifts For Your Boyfriend This Valentine's Day

Top 10 Most Admired Actresses in The Philippine Showbiz Industry in This New Generation


Top 10 Pinoy New Year's Resolutions

No comments:

Post a Comment