LAGING NAGPAPAKATOTOO si Patrick Garcia, na sa tuwing magkakaroon ng bagong karelasyon si Jennylyn Mercado, katulad noon ni Dennis Trillo at ngayon naman ay kay Luis Manzano, hindi talaga niya nakakalimutang ipakiusap na sana’y kung mahal nila si Jen bilang karelasyon, mahalin at ituring din nilang parang tunay na anak si Alex Jazz. Daddy ni AJ si Patrick, kaya ganu’n lagi ang kanyang kahilingan.
Sobra kasing mapagmahal sa mga bata ang pamilya nina Patrick. Mahal na mahal niya si Alex Jazz, dahil nagtagal din bago nangyari ang pagtatagpo nilang mag-ama pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Jennylyn bilang magkarelasyon. Alam ni Patrick na bilang ina ni AJ, mahal na mahal ni Jen ang kanilang anak. Pero ayaw niyang mangyari na makatagpo si Jen ng lalaking siya lang ang mamahalin, at mae-etsa-puwera ang kanilang anak.
Natutuwa naman si Patrick, dahil nu’ng si Dennis ang ka-relasyon ni Jennylyn, walang naging problema, dahil mabait si Dennis kay Alex Jazz. Ngayon namang si Luis ang karelasyon ni Jen, hindi rin kinakabahan si Patrick, dahil mabait at mahilig din sa mga bata ang lahi ni Luis. Hindi rin naman kasi papayag si Jen na kung makikipagrelasyon siya, maaapi ang kanyang anak.

No comments:
Post a Comment