Friday, January 13, 2012

Pauleen Luna Posibleng Lumayas Na Ng Eat Bulaga

MAS MAHALAGA para kay Pauleen Luna ang katahimikan niya ganu’n na rin ng kanyang mahal na pamilya. Kaya kung nang dahil lang sa isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa ngayon ni Vic Sotto ay patuloy siyang pupukulin ng kung anu-anong intriga at panlalait, malamang na puwedeng mangyari na iwan na rin niya ang Eat, Bulaga, kung saan nga sila magkasama ng daddy nina Danica at Oyo Sotto.

Palagi na ngayong ikinukumpara si Pauleen sa dating karelasyon ni Vic na si Pia Guanio at iyon ay pupuwedeng maging dahilan para magkaroon ng ilangan factor ang dalawang aktres. Magulo rin ngayon ang mga tsika, dahil sa loob ng kanilang programa, kontrobersiyal ngayong pinag-uusapan ang diumano’y pagbubuntis ng EB Babe na si Zaida at nababanggit ang pangalan ni Bossing sa isyung umano’y nakabuntis sa magandang dancer ng show. Natatanong din si Pauleen tungkol sa kanyang reaksiyon sa nasabing isyu, kaya hirap siya ngayon sa mga dapat niyang sabihin dahil baka pagmulan pa iyon ng panibagong intriga.

Mayroong mga nagmamahal kay Pauleen na nasasaktan sa pagbibintang sa kanya, na mayroon daw ipinagagawang magarang bahay ang kanilang pamilya, at naisyuhan ang dalaga ng tsika na hinuhuthutan na niya si Vic. Papaano naman daw mangyayari iyon, samantalang may kaya naman ang pamilya ng magandang aktres, at maganda’t malaki ang kanilang bahay na paulit-ulit nilang ipinapagawa para mas lalo pang pagandahin? Kapag daw patuloy na inintriga si Pauleen, baka iwan nga nito ang EB, dahil nu’ng magkaintrigahan sila ni Kristine Hermosa sa bakuran ng ABS-CBN dahil kay Diether Ocampo, mas pinili niya ang umalis na lang sa Kapamilya Network, para matahimik, kaya nasa GMA-7 siya ngayon.

You May Also Want to Check Out:

Top 10 Male TV Host of The Philippines 2011

10 Things About Rhian Ramos That Her Fans Should Know


Top 10 Pinoy New Year's Resolutions

No comments:

Post a Comment