Tuesday, January 31, 2012

Rhian Ramos, Magpapakita ng Pwet sa My Kontrabida Girl

Malapit ng matapos and comedy film ng GMA Films na "May Kontrabida Girl" na pagtatambalan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

Medyo alanganin, pero tuwang-tuwa na ikinuwento ni Kevin ang isang eksena na nakasama niya si Rhian.

"Actually, meron kaming medyo kakaibang eksena, big scene siya, e, sa batis...

"Basta... basta ang hirap i-describe, e!" at natawa ang young character actor.

"Sobrang nagmarka yung eksena. Basta! Hahaha!

Para hindi naman kami mabitin, itinuloy na rin ni Kevin ang pagkuwento.

"Apat kami sa eksena—si Sef [Cadayona], si Enzo [Pineda], ako, 'tapos si Ken [Chan]... 'andun si Rhian sa eksena.

"Parang picto-pictorial na eksena dun sa movie... basta panoorin na lang ninyo."

Pero ano ba talaga ang ginawa nila sa naturang eksena at tawang-tawa siya?

"Paano ko ba sasabihin? Okay, yung eksena ni Rhian, kami yung iba, e... kaming apat."

Sa kakukulit namin kay Kevin, napaamin din namin siya kung ano yung "kakaibang eksena" nila sa My Kontrabida Girl. At biglang napabulalas na lang siya ng:

"Nagpakita kami ng puwet! Kaming apat!

"Tapos, si Rhian, parang nandun siya sa harapan, sa batis," may konting hiyang sabi niya.

Ayon din kay Kevin na masayang kasama si Rhian sa set at pansin nito na hindi na masyadong apektado and magandang aktres ng negative issues na pinsabog ng kanyang ex-BF na si DJ Mo.

We Recommend:


Top 10 Most Favorite Divas in The Philippines

No comments:

Post a Comment