HOW TRUE ang tsismis na kaya raw pala minadali ang kasal ni Valenzuela Councilor at co-host ng Wil Time Bigtime na si Shalani Soledad ay dahil buntis daw ito? Marami raw kasi ang mga nakapapansin na mga manonood ng nasabing show na tila lumalaki at halata na ang tiyan ng politician/TV Host. Ito kaya ang dahilan kaya sa January 22 na ang kasal ni Shalani?
Marami nga ang nagulat nang biglang ihayag ni Shalani na magpapakasal na siya kay Congressman Roman Romulo sa darating na Enero noong Nobyembre ng 2011. Maging ang mga movie press ay nagulat din sa announcement ni Shalani dahil bagong kakilala pa lang noon ni Shalani ang congressman sa pamamagitan ng isang pagtitipon.
Ngunit sa mga sumunod na interview, ayon naman kay Cong. Romulo, na-love at first sight daw siya kay Shalani nang makita niya ito, kung kaya’t hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Nasundan pa ito ng isang regalong singsing ng congressman na pagpapakitang seryoso talaga siya kay Shalani. At ang mga sumunod na eksena ay pormal nang pinakilala ng congressman sa pamilya Romulo si Shalani, hudyat na siya na marahil ang babaeng dadalhin ng solon sa altar. And true enough, later that event ay isang bonggang-bonggang announcement ang ipinalabas ni Shalani na magpapakasal na sila ni Cong. Roman sa mga darating na buwan.
Mukhang tinanggap naman ng publiko ang Romulo-Soledad soon to be nuptials at marami ang bumati sa dalagang councilor na sa wakas ay mag-aasawa na ito. Maging si Willie Revillame ay nagpahayag ng suporta sa dalawa at napiling Best Man.
Pero nang i-announce na January 2012 na ang kasal ng dalawa, kumalat agad ang mga ispekulasyon ng mga tsismosa na baka raw buntis na ang lady councilor kaya inapura ang kasal nito. Lumutang din ang isyung oportunista at segurista raw si Shalani kaya si Cong. Roman ang nais mapangasawa nito.
May mga tanong din na dadalo kaya ang Pangulong Noynoy sa kasal ng dalawa? Si P-Noy kasi ay former boyfriend ni Shalani. Ang tanong? Naimbitahan ba ang pangulo?
Samantala, simpleng seremonya at pagtitipon lang daw ang gusto ng soon to be couple at ido-donate na lang daw nila sa mga nasalanta ng bagyong Sendong ang maaaring magastos upang makatulong kesa magkaroon ng bonggang-bongga at magarbong selebrasyon. ‘Yun na!

No comments:
Post a Comment