Friday, February 24, 2012

Annabelle Rama Binugaw si Ynna Asistio Kay Manny Pacquiao

Itinuloy kahapon ni Annabelle Rama ang pagsasampa ng libel case laban sa kanyang talent na si Alynna Alexandra Asistio aka Ynna Asistio. Nagsampa ng kaso si Annabelle sa Makati Regional Trial Court, kaya sa edad na 20, may libel case na agad ang batang aktres.

Kasama sa sinampahan ng demanda si Janice Navida, ang entertainment editor ng isang tabloid dahil siya ang nagsulat ng artikulo na na-publish noong February 1, 2012.

Ikinuwento ng controversial talent manager sa kanyang sinumpaan na salaysay na ikinabigla niya at nadismaya siya sa artikulo na isinulat ni Navida:

“Tinanong namin si Ynna tungkol sa isyung ‘bugawan’ na inaakusa ng mommy niya kay Tita A.

“Nadamay din kasi ru’n ang pangalan ni Cong. Manny Pacquiao dahil inirereto raw ni Tita Annabelle sa Pambansang Kamao si Alyanna na 16 years old lang pala. Ano bang basehan nila para sabihing ‘ibinubugaw’ ni Tita A. ang mga alaga niya, especially silang magkakapatid?

Sey ni Ynna, “Minsan po kasi, isinama siya sa bahay nina Cong. Manny at Gov. Chavit (Singson),” na hindi naman niya dinagdagan ng ibang detalye.

Basta sabi ni Ynna, ang gusto raw ni Tita A. ay maikli ang isinusuot nila ‘pag humaharap sa mga tao sa special occasions tulad nu’ng minsang birthday ni Cong. Pacquiao.

Eh, siya, ganu’n din ba ang sinasabi sa kanya ni Tita A.? “May mga personal experience rin po ako pero ‘di na ako magsasalita,” sagot ni Ynna.

May isang insidente naman daw sa Cebu na isinama silang magkakapatid ni Tita A. at ipi­nakilala sa mga “may-edad” nang bisita nito sabay sabing, “Single ang mga ‘yan.” From then on, umiwas na raw sila at hindi na sumama uli sa mga lakad ng manager dahil feeling nga raw nila ay ‘ibinebenta’ sila nito.

No comments:

Post a Comment