Wednesday, February 22, 2012

Dahil sa Gay Issue, Projects ni Piolo Pascual, Kay Coco Martin na Napupunta

MABAIT SI Piolo Pascual pero hindi pasaporte ang bait na iyon para mabawi pa ng aktor ang nawala niyang macho image mula nang magbigay-komento si KC Concepcion sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Last year pa nangyari ang breakup at pagsasalita ni KC, pero hanggang ngayon ay latay pa rin sa pagkatao ni Piolo ang mga binitiwang salita ng aktres partikular na sa gender ng aktor.

“Pinalabas nilang may nililigawang bago si Piolo, pero wala pa ring nangyari. I mean hindi na mabubura pa sa isipan ng mga tao ang mga sinabi noon ni KC,” sabi ng aming source.’

Ayon pa sa aming source, tiyak na maapektuhan ang mga gagawing project ni Piolo lalo na ang soap operang pagsasamahan nila nina Jericho Rosales dahil baka mabigyang-kulay ito nang isyung kabaklaan.

May nagbulong sa amin na timing ang pagpasok ni Coco Martin sa Dos, dahil ang mga project na para kay Piolo ay may Coco na sasalo. In short, si Coco na ang bagong Piolo ng Dos. Tsuk!

No comments:

Post a Comment