Thursday, February 9, 2012

Dingdong Dantes at Marian Rivera, Walang Valentine's Date

SA LAUNCHING ng Bench Empower deo-cologne ni Dingdong Dantes, natanong namin kay Dingdong ang tungkol sa GMA-7 newest primetime soap na My Beloved na magpa-pilot na sa February 15, kung saan dual character ang kanyang ginagampanan.

“’Yung isang character, medyo lately ko na lang nasuot, eh, ‘yung hindi tao. So, magandang adjustment kasi, mabuti inuna namin ‘yung mga mortal. Tapos maganda rin na medyo na-delay kami ng pagpapalabas. In that manner, napaghandaan namin nang husto. At least, alam namin kung paano ang atake. Magaling kasi ang mga katrabaho namin, lalung-lalo na ang leading lady, si Marian Rivera.”

Tsika pa ni Dingdong na paniguradong magugustuhan daw ito ng kanyang mga tagahanga dahil bago ito sa kanya at ngayon lang niya gagawin, plus factor pa daw na kasama niya ang kanyang real sweetheart na si Marian Rivera.

Dagdag pa nito na wala pa raw silang plano ni Marian ngayong Valentine’s Day dahil may trabaho siya sa Feb. 14, kung saan guest siya sa concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Center. Sana nga raw ay matapos nang maaga para makapag-date pa sila ni Marian sa Araw ng mga Puso.

No comments:

Post a Comment