Monday, February 13, 2012

Dingdong Dantes, Kabado sa Song Number Nila ni Ogie sa Valentine's Concert

Naabutan namin si Dingdong Dantes noong Sabado sa rehearsal ng Mr. & Mrs. A, ang much anticipated concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na mapapanood bukas sa Smart Araneta Coliseum.

May duet number si Dingdong kay Ogie at kahit kabisado na niya ang kakantahin nila, nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

Bago nag-practice si Dingdong ng kanta, ipinakita niya sa amin ang video ng eksena sa My Beloved na naka-store sa kanyang cellphone.

Malaking eksena ang kinunan sa Quezon province dahil sa isang bus na nahuhulog sa bangin na mapapanood sa My Beloved, ang primetime show nina Dingdong at Marian Rivera na magsisimula ngayong gabi sa GMA 7.

Ginastusan nang todo ng GMA 7 management ang My Beloved dahil bumili pa sila ng bus na wawasakin para sa grand opening scene ng kanilang bagong teleserye.


No comments:

Post a Comment