Saturday, February 18, 2012

Gerald Anderson at Sarah Geronimo, Nag-Date Last Valentine's Day

Hindi itinanggi ni Gerald Anderson na nag-date sila ni Sarah Geronimo nung Valentine’s day.

Nagpunta raw sila sa isang karaoke bar, at kasama raw nila ang parents ni Sarah, at ilang friends.

“Okey naman. Masaya. It’s a group date, friends. Marami-marami kami.

“Huwag na tayong magdetalye dahil personal life ko ‘yun. Wala naman pong connection sa trabaho ko.

“Okey na ‘yun. Tapos na ‘yun. Basta, masaya ako!” sabi ni Gerald.

Nasa ‘ligawan’ stage na ba sila ni Sarah?
“Hindi lang dahil nakasama ko si Sarah sa Valentine’s day, ibig sabihin nagmamadali kami. Kumbaga, single siya, single ako. Wala namang masama.”

Dumadalaw ka na ba sa bahay nila?
“Nakakapunta ako sa bahay nila, yes, it’s true! Pumunta ako, hinatid ko ‘yung gift ko and mataas po ang respeto ko sa kanya (Sarah) at sa buong pamilya niya.”

Nagpaalam ka ba sa parents ni Sarah na manliligaw ka?
“Ahm, sa ngayon friends kami. ‘Yun po ang malinaw doon, friends kami. Pareho kaming single at wala namang masama doon. Kung magkaroon ng opportunity sa future na lalabas kami, oo naman, wala namang masama doon.”

Ano bang meron siya at pinagkatiwalaan siyang ilabas si Sarah for a date kasama ang mga kaibigan nila at ang ina nitong si Mommy Divine?

“Hindi po ako ang dapat tanungin diyan. I’m just really happy na binibigyan nila ako ng opportunity na makasama si Sarah at ang buong pamilya niya.”

Sa presscon ni Sarah para sa bago niyang show, ang Sarah G. Live, hiniling daw nito na sana ay magkaroon na siya ng boyfriend.

“Of course. ‘Yun din ang... Like I said, it’s pinapakita lang na friends kami. Kumbaga, gusto rin natin na maging masaya siya. Pero ‘yung... Okey na po ‘yun,” pabiting saad ni Gerald, na halatang gusto na ngang tapusin ang topic tungkol kay Sarah.

Pero, mapilit ang press na nagi-interview sa kanya, kaya sunod agad na taong ay kung masaya ba siya kay Sarah?

“Masaya ako dahil mas nakilala ko siya!” mabilis na sagot ni Gerald.
Paano ka napapasaya ni Sarah?

“Aaaahhhh, ‘yung simpleng pagsasama lang, ‘yung bonding moments pag magkasama kami.”
Ano ang nagustuhan niya kay Sarah?

“’Yung ugali niya, ‘yung pagkatao niya.”
Willing ba siyang harapin ang mga challenges para makuha niya ang puso at pagtitiwala ni Sarah?

“Aaaahhhh, tingnan natin. Ayaw ko rin naman sabihing oo, tapos alam mo ‘yun may ano... You know, we have to take it slow. Okey na po ‘yun, kung may bagong updates, pag-usapan natin.

“Sa ngayon, ayaw ko pong maging selfish dahil nasa presscon po tayo ng Mint. Maraming nagpakahirap dito kaya ayokong maging selfish dahil lang sa personal na buhay ko.”

Nililigawan na ba talaga niya si Sarah?
“Tignan po natin, huwag po tayong magmadali!”

Sinabi ni Sarah sa presscon nito na special ka sa buhay niya?
“Of course, special siya. Maraming beses ko na pong sinasabi na special siya sa akin.”

‘Yung pagpunta-punta ba niya sa bahay ni Sarah, panliligaw na ba ‘yun o kinikilala mo pa lang siya? “Ahmm..kinikilala ko pa lang siya.

Hindi pa ‘yun panliligaw?
“Naghatid po ako ng regalo.”

Ano ba si Sarah sa puso mo ngayon?
“She’s a good friend,” nangingiting sagot ni Gerald.

Paano ka tinatrato ni Mommy Divine?
“Mabait naman po sila. Mataas ang respeto ko sa kanila.”

Balitang kinakaibigan muna niya sa Mommy Divine?
“Talaga? Dapat siguro dahil pamilya sila.”

Bakit Tiffany na may heart ang regalo mo kay Sarah?
“Ha! Ha! Ha! Ha! Please, ibalato niyo na lang ito sa akin,” pakiusap pa ni Gerald.

Teka, paano mo ba napapanatili na normal ang buhay sa mundong ginagalawan mo ngayon?
“Tulad ng mga personal issues ko at personal lovelife ko, personal life ko, akin na lang po ‘yun.

Meron po akong puwedeng i-share sa inyo at meron din po akong puwedeng i-share sa fans at meron din para sa akin lang.”

Pero sabi ni Sarah, ayaw na niyang ilihim pa kapag nagkaroon siya ulit ng boyfriend.

“Ah, wala naman pong ililihim, pero hindi na po ako magdi-detalye at hindi ko naman isi-share lahat ‘yun.”

Kung saka-sakaling mauwi sa relasyon ang closeness ninyo ni Sarah, hindi mo ipagdadamot ang katotohanan tungkol sa inyong dalawa?

“Kung sinuman ang susunod na magiging girlfriend ko or mahal ko sa buhay, siyempre, hindi ko ipagdadamot ‘yun.”

Hindi raw napi-pressure si Gerald sa pagli-link sa kanilang dalawa ni Sarah, mas napi-pressure siya sa natitirang tatlong linggo bago tuluyang magwakas sa ere ang Budoy.

Wala pa raw bagong TV project na gagawin si Gerald matapos ang Budoy. Gusto raw muna niyang magpahinga. Ang pagkakaabalahan daw niya ay ang Star Magic Tour abroad na magsisimula sa March.

Anyway, si Gerald nga ang bagong endorser ng Mint clothing line. Matapos ang ilang taong pagiging endorser niya ng Bench, kumalas na ang actor.

Aminado si Gerald na nahirapan siyang magdesisyong iwanan ang Bench dahil ito na ang sumuporta sa kanyang career nung bagu-bago pa lang siya.

Pero, ang mga future charity program daw na gusto niyang gawin ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang Mint. Nasa plano kasi niya na ang ilang porsiyento ng kikitain sa mga idi-design niyang damit ay mapupunta sa charity.

No comments:

Post a Comment