Thursday, February 2, 2012

Iza Calsado, Insecured Kay Marian Rivera Kaya Lumipat ng Dos

NAKAUSAP namin si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.

 Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”

Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.

Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.

We Recommend:

Top 10 Most Admired Actors of The Philippine Showbiz in This New Generation

No comments:

Post a Comment