Monday, February 6, 2012

Kris Aquino, Galit Pa Rin Kay Joey Marquez

INAYAWAN PALA ni Kris Aquino ang pasaring ni Joey Marquez na willing itong interbyuhin ang Queen of Talk sa kanyang bagong showbiz-oriented talk show.

Gusto na ni Kris ng katahimikan kaya sinabi niya sa isang interview for her newest soap with Robin Padilla na ayaw niyang magpa-interview sa dating nakarelasyong komedyante.

Maganda na nga naman ang buhay ni Kris at wala siyang kaproble-problema lalo na ngayon at na-annul na ang kasal niya kay James Yap. We’re pretty sure na magagamit lang ang beauty ni Kris para pag-usapan ang bagong show ni Joey kasama sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Alam na alam ni Joey na lalong ii-ngay ang kanyang pagbabalik sa showbiz kapag nangyari ang one-on-one interview niya with Kris.

No comments:

Post a Comment