Sunday, February 26, 2012

Luis Manzano, Ninenerbiyos sa Deal or No Deal

OBSERBASYON NG mga taong close kay Luis Manzano, ngayon lang daw nila nakita na gano’n siya kasaya. At nagsimula ito nang maging girlfriend daw ng aktor si Jennylyn Mercado.

“Siguro, mas maganda sa pakiramdam na sila ang nakakakita. Instead na ako ‘yong tumatakbo na nagsisisigaw, masaya ako, masaya ako, masaya ako!”

Masasabi nga bang si Jennylyn na nga ang makakatuluyan niya?

“Well… I’m very very happy. And… it’s only a matter of time. Time can prove me right. Time can prove me wrong. But, hopefully. At the end of the day, kung sino man ang mamahalin talaga ng puso ko nang buong-buo na ihaharap ko talaga sa Diyos at sa pamilya ko. Long way to go.

“Alam ko na… of course she (Jennylyn) has a family (na sinusuportahan) too. Kaya ayoko namang biglain na… yes, paka-kasalan kita!”

Sobrang excitement din daw ang nararamdaman ni Luis Manzano sa nalalapit na pagbabalik sa ere ng game show na dating hina-wakan ni Kris Aquino, at ngayon nga, siya na ang host nito.

“I’m very proud and anxious,” aniya nga.

Nakapag-taping na raw sila ng pilot episode nito.  At aminado siyang may nararamdaman pa rin siyang kaba.

“Oo. Ninenerbiyos pa rin ako. But still, I believe in the show. Kahit paano naman, alam ko ang mangyayari. I’m just very excited sa pinaghirapan ng mga tao sa likod ng camera.”

‘Yun na!

No comments:

Post a Comment