Friday, February 24, 2012

Sam Pinto, Dedma at Pinagtawanan Lang Ang Link Isyu Kay Aljur Abrenica

DUMALO KAMI sa premiere night ng pelikulang ‘Hitman’ noong Martes at masaya kaming marami ang nanood at gustong maka-experience ulit ng action film. Full force din ang cast ng pelikula na pinangungunahan ni Cesar Montano, Sam Pinto, Mark Herras, Philip Salvador, Joko Diaz, at Diego Montano.

In high spirit ang lahat na sana ay makamtan din nila ang tinamasang tagumpay ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, kung saan naging surprise hit ito sa takilya. Senyales nga ito na muling bumalik ang interes ng mga Pinoy sa mga action films.

Sa kuwentuhan namin ni Sam Pinto, agree naman ito na blessing in disguise nga ang pagka-postpone ng release nito na nakatakda sanang ipalabas ang pelikula noong Nobyembre 2011.

At sa isyu naman ng pagkaka-link niya sa Kapuso hunk na si Aljur Abrenica, natatawa na lamang si Sam sa intriga. Aniya, magkaibigan lang sila ni Aljur at walang anumang ligawang nangyayari. Naging close daw sila dahil magkasama na sila sa endorsement niyang San Mig Light. ‘Yun na!

No comments:

Post a Comment