Saturday, February 18, 2012

Sarah Geronimo, Inaming Hindi Sya Fluent sa English

Nagpakatotoo si Sarah Geronimo nang sabihin nito na hindi siya fluent sa English language kaya iniisip niya na magkaroon ng interpreter kung sakali na magkaroon ng foreign guest sa kanyang upcoming Sunday night program sa ABS CBN, ang Sarah G. Live! na magsisimula sa February 26.

“Hindi ako fluent sa English, so kukuha ako ng interpreter kapag may foreigner ako na guest. Kasi po, ayoko talaga na mag-prepare.
Gusto ko po ipakita kung ano talaga ako. Itong show na ito eh naniniwala ako na training ground para sa akin.

“Hindi ko maipa-promise sa inyo na… ang galing-galing ko agad na host, ang galing-galing agad na performer, na iba talaga.
Sana po, bigyan n’yo ako ng chance na bumuwelo rin at pagtrabahuhan kung ano ang naibigay sa akin na big break.”

No comments:

Post a Comment