Friday, February 10, 2012

Sarah Geronimo, Magpapaka- Daring na Rin

Inamin ni Sarah Geronimo na in a way, gusto na niyang maging daring. “Gusto ko pong mas maging daring na pero hindi naman yung sobrang skin revealing po. Yung kaya ko lang,” pagtatapat ni Sarah sa lumabas na interview sa kanyang official website sarahgeronimo.com.

Lately ay makikita na talaga ang kaseksihan ni Sarah pero hindi malaswang tingnan. Kaya naman pinagpapantasyahan talaga siya ng mara­ming kalalakihan. Ikinukumpara na rin siya kay Beyonce dahil sa kaseksihan at galing sa kantahan at paghataw sa sayawan.

Aminado rin siyang sumusubok siya ng iba’t ibang fashion styles pero naka-stick pa rin siya sa mga damit na comfortable siya. “Ayokong magpadala. I’ll always be the girl who doesn’t wear lipstick when I don’t have to,” katuwiran naman niya sa lumabas na interview niya sa Cosmopolitan Magazine.

Ayon pa sa article na lumabas sa kanyang website, she describes herself bilang isang ‘modern day Filipina.’ Nasa pagitan siya ng women dahil 23-year old na siya na tinatawag na manang at mga lady na minsan ay sinasabi nilang liberated. Pero dahil nga sa simple disposition ni Sarah, nasa gitna siya nun, kaya puwedeng-puwede siyang mag-represent ng pagiging modern-day Filipina.

Kung sabagay nasubaybayan ng lahat ang pagsisimula ng career ni Sarah - mula nang manalo siya sa isang singing contest. Kung paano na-develop ang personality sa pagiging isang concert queen at box office queen.

Pero para maging certified modern-day Filipina, marami pa raw siyang dapat matutunan sa buhay.

“Kasama na rin po kasi dun yung pagiging independent mo sa mga bagay-bagay at isa po yun sa gusto kong magawa,” sabi niya sa nasabing interview.

Aminado naman siya kahit noon pa na ang kanyang Mommy Divine ang humahawak ng kanyang mga kinikita.

“Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat. Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita.”

Samantala, todo na ang rehearsal ni Sarah para sa kanyang solo show na Sarah G. Live na eere every Sunday starting February 26 sa ABS-CBN.

Bukod sa Sarah G. Live, magiging busy na rin siya sa shooting ng movie nila ni John Lloyd Cruz, sequel ng dalawang nauna na nilang pelikula A Very Special Love at You Changed My Life. “I’ll do my best po talaga. Talagang gagawin po namin ang lahat para mabigyan ng magandang entertainment ang televiewers natin,” sabi ni Sarah sa kanyang kauna-unahang solo program.

Magkakaroon din siya ng birthday concert sa November.

Banggit din ni Mr. Vic del Rosario, may ma­laking bagong commercial na lalabas si Sarah na ayaw pa niyang sabihin bukod pa ito sa marami na niyang endorsements sa kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment