Friday, February 24, 2012

Sino Ang Dine-Date Ngayon ni Piolo Pascual?

Wet at super hot ang cover shoot ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Ipinagmalaki ni Piolo ang kanyang rock-hard abs, braso at overall fit body para sa Men’s Health magazine.

Hindi nga bakas ang pagod kay Piolo na kakagaling lang sa kanyang taping sa Batangas.

Ngayon, ibinahagi ni Piolo ang sikreto sa magandang katawan. Ang nakakagulat, mahilig sa kanin ang aktor.

“Lately I've been eating a lot of steaks, enjoy ako sa steaks, tapos rice. Before I didn't eat rice... Now I can't eat without rice,” sabi ni Piolo.

Ito ang unang panayam kay Piolo matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni KC Concepcion.

Sa harap ng samu’t saring reaksyon ng publiko, mas pinili ni Piolo na maging positibo sa buhay.

“Prayer -- you just move forward. You don't dwell on the things in the past. I'm at peace,” ani Piolo.

Ayon sa aktor, walang laman ang kanyang puso pero kontento siya bilang single.

Nang tanungin kung mayroon siyang dine-date ngayon, sagot ni Piolo, “It'll happen, in God's time, for sure.”

1 comment: