Tuesday, February 21, 2012

X ni Kris Aquino na si James Yap, May Nais Linawin

SA AMING patuloy na pakikipag-usap kay James Yap pagkatapos ng kanyang practice sa isang gym sa may San Juan, inusisa namin siya tungkol sa ‘di mamatay-matay na intriga sa kanila ni Isabel Oli? Bakit nga ba palagi silang iniintrigang may relasyon diumano?

Sagot niya sa amin, “Si Isabel kasi kaibigan ko. Kumbaga sobrang na-chismis kami before, so hindi talaga namamatay. Pero gusto ko talagang linawin na kaibigan ko lang talaga si Isabel at saka sobrang bait niyang babae.”

Naintriga na sila noon after ng hiwalayan nila ni Kris Aquino. Pero namatay ang isyu at nagkarelasyon naman daw si Isabel kay Gab Valenciano. Nitong na-grant naman ang annulment ni James kay Kris, at nagkahiwalay naman daw ang landas nitong si Isabel at Gab, muli na namang bumalik ang tsismis kina James at Isabel.

Paliwanag ni James, “Nagsimula na naman kasi ito roon sa Cebu. Nagkataon na nandoon ako and nandoon din siya., Kung baga, aksidente lang na nagkita kami sa isang mall. So siguro nga, ‘yun… na-tweet kami na nag-usap kami. Nag-‘hi’ ako, ako ang unang nag-approach sa kanya, siyempre kaibigan naman e, walang malisya sa gano’n.

“Alam naman niya ‘yan eh, kasi kapag natsitsismis kami, open naman kami, nagte-text kaming dalawa, which is hindi ko naman tinatago ‘yun. Sinasabi ko namang kaibigan ko si Isabel, so wala talaga. Sana hindi maapektuhan ‘yung pagkakaibigan namin.”

Sana nga matuldukan na ang isyung ito para matahimik na lahat.
Sure na ‘to

No comments:

Post a Comment