Thursday, March 15, 2012

Ai ai delas Alas, Inis Pa Rin sa Security ng ABSCBN

Nakatanggap na si Ai Ai delas Alas ng apology mula sa security head ng ABS-CBN, pero hindi pa rin siya tumutuntong sa network compound dahil sa hindi pagpapapasok ng security personnel sa kanyang driver at sasakyan.

Nangyari ang insidente, 2 weeks ago, nang mag-guest si Ai Ai sa morning program ni Kris Aquino para i-promote ang bagong show niya sa ABS-CBN.

Nang matapos ang guesting niya, napilitan si Ai Ai na maglakad papalabas mula sa compound ng Kapamilya station, kahit matindi ang sikat ng araw, dahil ayaw papasukin ng mga guwardya ang kanyang driver at sasakyan.

Network policy ang sinabi na dahilan kay Ai Ai ng security guard kaya hindi na siya tumuntong sa ABS-CBN compound.

Ang insidente ang rason kaya wala si Ai Ai sa live promo guesting ng Wako Wako cast sa ASAP Rocks.

Taped na lang ang imbitasyon niya na panoorin ng televiewers ang bagong programa ng ABS-CBN.

Ma­liban sa network policy, walang ibang explanation na ibinigay ang security head, na nagpadala ng bulaklak sa bahay ni Ai Ai bilang peace offering.

Nasaktan si Ai Ai sa kanyang naranasan at tila hindi pa siya handa na tumuntong sa ABS-CBN hangga’t hindi niya nakakausap nang personal ang security head ng network.

Hindi nag-iisa si Ai Ai dahil nakaranas din ng paghihigpit ng security personnel ng Kapamilya network ang ibang mga artista at business unit heads.

Isang sikat na aktor ang hinanapan ng ID ng guwardya nang pumasok siya sa ABS-CBN compound.

Nangyari ang insidente noong labas-masok ang very popular actor sa ABS-CBN dahil contract star siya ng network.


No comments:

Post a Comment