Saturday, March 17, 2012

Andi Eigenmann, Magbabalik Showbiz Na

“Masayang masaya po ako, I’m really, really happy with my baby Elle and I’m also excited to get back to work. I’ll be coming back on TV very, very soon,” masayang balita ng aktres na si Andi Eigenmann sa Magnum Ice Cream VIP Party noong Miyerkules, March 14, sa Makati City.

Dagdag pa ni Andi hinggil sa susunod niyang proyekto, “’Yung project ko po abangan n’yo na lang pero magkakaroon ako ng appearance sa ibang teleserye. This will be happening very, very soon. Abangan n’yo na lang kasi malapit na rin siya.” Bukod pa rito ay magkakaroon din daw siya ng movie under Regal Films.

Nang tanungin naman siya kung ano ang bagong aasahan sa kanya sa kanyang pagbabalik, ang sagot ni Andi, “Siguro mas adult lang. Hindi naman po ako nagbago, nanganak lang. Ako pa rin po si Andi and ganun pa rin ako. Siguro nag-iba lang. Now I’ve grown to be more mature.”

Umaasa rin si Andi na sa kanyang pagbabalik ay susuportahan pa rin siya ng mga tao gaya ng pagsuporta sa kanya nang magbida sa teleseryeng Agua Bendita. “Sana matanggap pa rin ako ng tao sa kung ano ang maipapakita ko ngayon. Tutal parang wala rin naman masyadong pagbabago. Ang gagawin ko lang, I will just work really hard to prove that I deserve the second chance that I got.”

Hindi man alam ni Andi kung paano siya muling tatanggapin ng masa, desidido siyang patunayan ang sarili. “Kinakabahan po ako kasi gusto kong matanggap pa rin ako ng mga tao, just like before, kaya kinakabahan ako pero I’m really on to showing people that I really deserve [a second chance].”

Unlike before, madalas daw ay nasa bahay lang ang aktres para alagaan ang kanyang baby. Pero lately ay medyo naging mahirap ang sitwasyon dahil naghahanda siya sa kanyang pagabalik-showbiz. “So medyo I don’t get to spend time with my daughter as much as I used to because I’m really, really trying to prepare for my comeback.”

Gayunpaman, ipapakita raw niya na kaya niyang panindigan ang kanyang bagong buhay. Nagkaroon man daw siya ng responsibilidad sa murang edad, ‘di naman daw matutumbasan ang kaligayahang nararamdaman niya. “I love it. I love my life right now and I wouldn’t really have it any other way.”

No comments:

Post a Comment