Saturday, March 24, 2012

Ang Pangarap Nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson

NAGKAKASUNDO SINA Sarah Geronimo at Gerald Anderson, dahil pareho lang naman silang simple lang ang mga pangarap sa buhay. Ang mabuhay nang maayos at hindi maghirap. Hindi rin naman biro ang hirap na dinanas ni Sarah sa kanyang pagsali-sali noon sa mga singing contest, na ang hangad lang naman kung papalarin ay maiahon sa hirap ang mahal niyang pamilya. Sinuportahan siya ng kanyang mga magulang, lalo na ni Mommy Divine Geronimo na hindi bumitiw sa pagtupad ng pop princess sa pagtupad ng kanyang mga ambisyon.

Laging madrama at nangingilid ang luha ni Gerald kapag naiisip niya ang kanyang pagsisimula sa showbiz. Guwapo lang siyang talaga at hindi mo mahahalata sa kanyang hitsura na nahirapan din naman siya. Pero kapag siya na ang nagkuwento ay mahaba ang mga eksenang kaya niyang alalahanin na magpapatunay na may dinaanan talaga siyang hirap. Nagkakaintindihan daw sina Sarah at Gerald sa kanilang mga naranasan sa buhay.

Matapang na ang loob ni Gerald. Sa kabila ng tsismis na diumano’y mayroon siyang itinatagong girlfriend na taga-Star Magic din, ay hayun naman at inamin na rin niya na mayroon talaga siyang magandang intensiyon kay Sarah. Wala namang kumokontra sa panig ng kanilang mga magulang. Magandang pareha ito, dahil sina Sarah at Gerald ay mamahalin mo sa mga ugaling hindi sila mayabang sa kabila ng pareho nilang kasikatan sa showbiz ngayon.

1 comment:

  1. Good job Gerald and Sarah G...stay hamble to every fans or followers to both of you. Either one of you are my idol. It is nothing wrong to be boyfriend and injoy both lifestyle together. Both of you can have relationship as lover but ensure both of you as good communication, honesty, trust, and walang iwanan whatever is happen stick together for better or for worse. Married is not in hurry that can be wait. Both of you have fun together before tied together, that way both of you won't miss anything. Injoy travel together and have fun because life is short. Ensure that your respect with the baby girl will be there. Now, if you think that you or she not satisfied going with one another with promise ring or engaged ring just to make sure that both of your family are comfortable of your relationship. It can be work if both of you are willing to commit longer relationship. Now a days, mostly relationship are getting promise ring like engage ring to protect your famiy and hers. Make sure that walang iwanan for better or worse must protect each other and hold on to your love. But if you want to do that both of you must discuss with both family, so they are comfortable of your lifestyle. Love you and god bless.

    ReplyDelete