Monday, March 12, 2012

Angelica Panganiban, Baka Umalis na sa Kapamilya

UMABOT NA ‘ata sa sukdulan ang pagpapasensya ni Angelica Panganiban sa nangyayari sa kanyang mga proyekto sa bakuran ng Dos, huh?

Marami ang nakakapansin sa madalas na pag-overtime ng programang Pinoy Big Brother tuwing Sabado ng gabi. Ang ending, halos Linggo na nang umaga napapalabas ang sexy-comedy show na Banana Split, ang nag-iisang existing show ni Angelica ngayon sa ABS-CBN.

“Alam nyo ba kung ano ang meron pag saturday night? Hindi sunday morning ha :)”. Karamihan sa mga followers nito ay nakuha ang punto niya sa kanyang ‘sarcastic’ tweet.

May mga tagahanga rin ang sexy actress na dismayado sa biglaang pagkansela ng Alta, ang teleseryeng sana’y pagsasamahan nila nina Gretchen Barretto at KC Concepcion. Very vocal si Greta sa pagsabi na hindi niya nagustuhan ang biglaang pag-shelve sa proyekto, samantalang tikom lang ang bibig ni KC Concepcion.

Naku, baka biglang mag-Rubi mode itong si Angelica kung patuloy pa ang mga problema sa mga programang sinasamahan n’ya, huh?!

No comments:

Post a Comment