Tuesday, March 20, 2012

Angeline Quinto, Mag-Bibikini sa Unang Pelikula with Coco Martin

Hindi na nga maikakailang na isa si Angeline Quinto sa mga in-demand na performers ng henerasyon na ito, hindi na lang sa pagkanta kungdi pati na rin si pag-arte. Kaya naman sa unang pelikula niya kung saan makakasama niya si Coco Martin, natanong na aming interviewers ang singer kung kalian maipapalabas ito dahil ipinagpaliban muna ang shooting. “Kung sakali pong matapos ng April, April po lalabas. Kung ‘di po aabutin, siguro May po.”

Kapansin-pansin din na ang laki na ng naging pagbabago sa kanyang pangangatawan at may mga balitang kumakalat na sa pelikula niyang ito ay makikita siyang nakasuot ng bikini sa isang eksena. “Abangan niyo po kung ano pa po yung pwedeng ipakita ni Angeline hindi lang sa pagkanta.” Dagdag pa niya, “Parang actually bathing suit pero ‘di pa ako sigurado. Kung mabigyan po ako ng chance, bakit hindi? Pero hindi naman yung super daring, may limitasyon din.”

Pero aminado naman ang dalaga na hindi niya kailangang gawin ito para lang mapansin dahil sa ngayon ay naieenjoy niya talaga ang pag-arte. “Alam niyo po, sa totoo lang, masayang-masaya po ako kasi dati sa pagkanta lang ako may nalalaman pero ngayon po unti-unti naman pong may natututunan ako sa pag-arte. Saka medyo kinakabahan pa rin po ako tuwing nagsu-shooting pero tinutulungan naman ako ni Coco Martin at ng direktor namin si Direk Jerome (Pobocan).”

Sa dami ng mga magagandang nangyayari sa career ni Angeline, may isa pa siyang gustong idagdag sa mga ito kung mabigyan ng pagkakataon. “Gusto ko po na sana minsan na ako din ang mag-produce [ng sariling album] kasi gusto ko naman po na ako ang bahala doon, ganyan, ganyan para po alam ko naman patakbuhin po yung ganun.”

Natanong din namin si Angeline kung maliban sa pag-produce ng album ano pa ng gusto niyang gawin. “Sa totoo po dati gusto ko sumulat ng kanta. Pero ngayon, parang naiba. Gusto ko pong subukang sumalat ng storya po, scriptwriter.”

At anong istorya ang gusto niyang gawin? “Movie na love story pero hindi naman yung love story lang. May halong comedy kasi medyo kalog naman ako.”

Sa kanyang bagong album, isang rebelasyon ang maririnig dito, “Yung bagong kanta naman sa album ko tungkol sa love life ko. May lovelife po na hindi natuloy, naiintindihan niyo po? Inspired sa totoong buhay, ginawa yung kanta based sa love life ko kaya kung lumabas ang album hulaan niyo kung sino yun,” pabirong dagdag pa ni Angeline.

Kaya naman nang kamustahin namin ang love life ng dalaga kung masaya ba siya, ang kanyang inamin, “Nasa gitna, happy nung umpisa tapos parang ‘di na happy nung dulo.”

No comments:

Post a Comment