Thursday, March 15, 2012

Bakit Laging Pagod si Rocco Nacino

MAMAYANG GABI na ang PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa Meralco Theater. Isa sa mga nominado ay si Rocco Nacino sa kategoryang New Movie Actor of the year.

“Masaya ako at thankful na na-appreciate ako ng PMPC Star Awards at ng Enpress,” aniya nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas last Sunday. “Hopefully… sana manalo.”

Over-worked daw si Rocco Nacino nitong mga huling araw. Three times a week siyang nagti-taping for The Good Daughter kung saan leading man siya ni Kylie Padilla.

Tatlong beses din isang linggo, nagti-training siya ng arnis ng pitong oras kada araw. Ito’y bilang preparasyon sa pagbibida niya sa isasapelikulang Ilocano epic na Lam-Ang. Tapos may rehearsal pa siya ng production number sa Party Pilipinas, kung saan regular din siyang napapanood every Sunday.

“Nakakapagod. Pero masaya ako na nagiging sobrang busy sa trabaho.”

Na-mention ni Rocco before na sa pagkakaalam niya, si Isabelle Daza ang unang kinunsidera para maging leading lady niya sa Lam-Ang. Hindi natuloy dahil hindi raw pumuwede ang dalaga.

Pero nang matanong naman namin si Isabelle a week ago about it… nagulat ang anak ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz. Wala raw siyang alam tungkol sa nasabing project. Walang anumang offer daw or anything.

“A… talaga? Iyon kasi ang nasabi sa akin. From what I know, siya po talaga, eh. Ewan ko lang kung ano ang nangyari. Basta ang sabi… hindi raw siya pumuwede.”

Dahil do’n… nagkakaroon ng intriga na baka naman daw ayaw lang siyang makapareha nitong si Isabelle.

“Hindi naman. Kasi kung ayaw niya akong makasama sa trabaho, dapat ayaw niya akong kaibiganin. E… okey naman kami rito sa Party Pilipinas, e. Magkakilala naman kami. Nagkakausap kami minsan.”

Si Rochelle Pangilinan ang napili nang maging leading lady niya. Okey naman daw kay Rocco kahit sino ang maging kapareha niya.

“Dapat kasama ko nang nagti-training ng arnis si Rochelle. Pero hindi pa siya makapag-start kasi may conflict pa yata sa schedule niya. Supposed to be, March 31 na ang start ng shooting namin. Kaso na-moved siya to April 20. Kasi hindi pa tapos ‘yong construction ng set namin sa Ilocos, e,” sabi pa ni Rocco.

No comments:

Post a Comment