Monday, March 12, 2012

Boyfriend ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano, May Ibang Girl

Kumalat sa isang blind item na diumano’y ang director-boyfriend ng isang TV host actress ay nakitang may kasamang ibang babae. Pinangalanan ito ng ilang mga nakabasa at tinukoy nga nila ito na sina Toni Gonzaga at ang karelasyong si Direk Paul Soriano. Kaya naman sa pinakahuling endorsement presscon ni Toni Gonzaga, tinanong siya tungkol sa isyung ito, “Ayoko naman mag-react, pag nag-react ka parang guilty ka. Narinig ko yan regarding the third party issue. I guess the best thing to do about this issue is to ignore.” Ang dagdag pang sagot ng dalaga sa isyu, “I’m a professional ignorer -- as long as I know the truth. They can laugh all they want, say anything they want, bash anything they want against me or Paul as long as I know the truth, dedmatology ang katapat ng lahat.”

Sa mga ganitong lumalabas na issue natanong din ng PUSH.com.ph ang multimedia star kung naapektuhan pa ba sila ni Direk Paul kapag nakakarining sila ng ganito at inamin naman ng Ultimate Multimedia Star na, “Noong bago, mga second  year, third year affected lalo siya, siya yung natitira, naba-blind item. Ngayong apat na taon na, maglilima na, paulit-ulit lang, wala namang napapatunayan. Yung mga pictures naman na nilalabas, kilala ko yon, staff nila yun sa Abra nakakahiya naman yun dun sa babae, staff nila yon, Christmas party.”

Kaya naman sa mga naglalabasang mga blind item at isyung tulad nito, ito ang gustong iparating ni Toni, “Kung meron mang dapat ipag-alala ako mismo magsasabi may problema po kami i-announce ko agad sasabihin ko agad. I’m very honest.”

Kaya naman ang kinumpirma lang ng dalaga sa lahat ng chismis tungkol dito, “Isang malaking palakaan yung issue.”

No comments:

Post a Comment