Monday, March 12, 2012

Charice Pempengco, Umapela sa mga negative comments sa kanya.

Marami ang nagulat sa bagong itsura ng Pinay international singing sensation na si Charice. Bukod sa maigsi at may kulay ang kanyang buhok, nagpalagay pa siya ng tattoo sa braso.

Pero sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas sa GMA News TV State of the Nation nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Charice na masaya siya sa kanyang bagong image.

Batid daw niya na marami ang pupuna sa kanyang bagong image, pero naniniwala rin siya na marami ang igagalang ang kanyang desisyon.

“To all the negative comments, I don’t care. This is me, this is what I want, and I love it," ayon kay Charice.

Matagal na raw gusto ni Charice na magbago ng image kaya naman itinado na niya ito nang magkaroon ng pagkakataon.

"This is such a huge step for me and I love it. This is me. This is who I am," pahayag niya.

Ayaw daw ni Charice na manatili sa isang katauhan na hindi naman niya gusto.

Matapos ang concert sa Manila, sa Cebu naman magtutungo si Charice. Pagkatapos ay lilipad na siya patungong Japan, Hong Kong at Korea, na bahagi ng kanyang Asian Tour concert.

No comments:

Post a Comment