Sunday, March 11, 2012

Gerald Anderson, binabakuran daw si Sarah Geronimo.

Kahapon sa The Buzz ay ibinuko ng nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na araw-araw ay may kausap ang aktor sa telepono at nakikita niyang lagi itong nakangiti. Kinumpirma naman ni Gerald sa interview sa kanya ni Charlene Gonzales na ang lagi niyang kausap ay walang iba kundi si Sarah Geronimo.

Nang hingan siya ni Charlene ng mensahe para kay Sarah, ang malaman na pahayag ng aktor ay, “Gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya for the inspiration she gives me and for making me happy everyday. Nawawala ang stress ko dahil sa kanya, it’s a good start.”

Inilahad din kahapon ng Budoy star kung paano nagsimula ang special feelings niya para kay Sarah.  “Siguro nung last shooting day ng Won’t Last A Day Without You, nasa bus terminal kami bago ang kissing scene,” simula niya. Nagkukuwentuhan daw sila sa gilid habang naghihintay ng take nang biglang mag-open up na lang sa kanya ang singer-actress. “Nagulat ako na andami niyang in-open up sa akin, andami niyang shinare and dun ko nakita na, wow she’s beautiful.”

Sa paningin niya, maganda raw si Sarah dahil sa pagiging totoo niya. “Nag-open up siya for no reason, hindi ko in-expect na gagawin niya ‘yon, so nag-open up din ako sa kanya.

Sinabi ni Sarah noon na wala pa silang relasyon ni Gerald kahit na maingay ang mga bali-balitang may namamagitan na sa kanila. Sa The Buzz kahapon ay sinagot na rin ni Gerald ang tanong na ito. “As much as na gusto kong sabihing yes, (but) we’re taking things slow. Totoo ‘yan pero ako naniniwala ako na slowly but surely.”

Sa tanong kung nililigawan ba niya ang dalaga, ang sagot ni Gerald ay, “Opo.” Noong una raw ay nagpapalitan lang sila ng messages hanggang sa naramdaman na lang ni Gerald na nais na niyang ligawan si Sarah. “There’s just this one day I knew it, there’s no turning back. Ito na ‘yon, and ‘yun.”

Hindi rin madiretso ni Gerald kung exclusively dating na ba sila ni Sarah. “Well, gusto ko pa siyang yayain siya sa ibang date. Siya ‘yung gusto ko. Malinaw naman ‘yon and alam naman ng lahat.”

Sa mensahe naman sa kanya ng inang si Mommy Vangie sinabi nito na payag na raw siya kung gustuhin na ni Gerald na lumagay sa tahimik. Pero sagot naman ni Gerald, na kaka-23 years old pa lamang, seven years pa siguro bago siya magdecide na magpakasal. 



No comments:

Post a Comment