Tuesday, March 6, 2012

German Moreno, Always Nakabuntot Kay Jake Vargas

NINE-NEGA NG ilan ang pagsasama-sama ni German Moreno sa alagang si Jake Vargas sa mga mall shows at out of town shows nito. Stage manager daw si Kuya Germs na lagi ngang nakabuntot kay Jake saan man ito magpunta. “Natutuwa ako at masaya kapag nakikitang pinagkakaguluhan ng mga fans si Jake. Du’n ko nalalaman na sikat na sikat na ang bata na noon ay nangangarap lang mag-artista. Sino ba namang ma-nager ang hindi maliligayahan kapag nakikita niyang dinudumog at tini-tilian ng mga fans ang alaga niya, ‘di ba? At akoy masayang-masaya kapag nakikita kong napakara-ming fans ni Jake ang gustong lapitan siya, halikan at malapitan man lang,” pahayag ni kuya Germs sa isang panayam sa kanya.

Pinapansin din ng ilan na kay Jake na lang daw nakatuon ang panahon niya at napapabayaan na ang mga kabataang naghihintay ring mapansin lalo na ‘yung matagal na sa Walang Tulugan.

“Alam n’yo, iyang mga batang lumalapit sa akin kasama ang mga nanay nila, hindi natin tinatanggihan. Gusto nilang mag-artista, at ako naman, tatanungin ko kung ano ang talent nila. ‘Pag maganda ang boses, pinapakanta. ‘Pag magaling sumayaw, pinapasayaw sila at kung sa hosting naman, binibigyan ko ng chance na magsalita sa programa.

“Never kong sinabi na sige tatanggapin kita at pasisikatin kita. Ang sabi ko, kung willing magtiyaga at maghintay, dito ka. Kung talagang may talent ka, mapapansin ka ng mga producers at kukunin ka.

“Si Jake naman ay nagsimula rin sa Walang Tulugan, pero tingnan n’yo naman ngayon, may mga shows siya, pelikula at album. Nagtiyaga rin ang bata bago siya mapansin. Dahil may talent nga, ayan at nagbubunga na ang pagtitiyaga at pagsisikap niya.

“Huwag na tayong lumayo. Sa That’s Entertainment, alam n’yo naman na du’n nagsimula ang lahat ng malalaking pangalan ngayong artista natin. ‘Yung iba nga, nakilala pa sa international. Ang sa akin, mahalin lang at mag-pokus sa trabaho at tiyak na sisikat kayo, lahad pa ng Master Showman.

No comments:

Post a Comment