Sunday, March 4, 2012

Jolo Revilla, Hindi Deserving sa Pagmamahal ni Kris Bernal

ISA AKO sa nanghinayang nang nabalitaan kong naudlot daw ang maganda sanang relasyon nina Kris Bernal at Jolo Revilla.

Hindi ko naman nakakausap si Jolo pagdating sa lovelife niya, pero ang alam ko lang, naging abala nu’n si Jolo sa pagpapa-check-up at pagpapagamot sa Amerika.

Nu’ng nasa Amerika si Jolo kasama si Lani Mercado, nandu’n din pala si Kris pero hindi naman sila nagkita.

Naka-concentrate si Jolo sa pagpapagamot at si Kris naman ay kasama ang pamilya niyang nagbakasyon.

Hindi ko na alam kung bakit hindi natuloy, dahil ang sweet naman nila noon.

Sabi nga ni Kris nang nakausap ito ng Startalk reporter namin sa presscon ng Hiram na Puso, nanghinayang din daw siya dahil maganda naman daw ang samahan nila noon.

Maaring wala lang talaga silang time sa isa’t isa dahil abala na ngayon si Jolo sa mga projects niya sa Cavite, at si Kris naman ay nagti-taping na sa Hiram na Puso kasama si Mark Herras.

Pero nilinaw naman ni Kris na magkaibigan pa rin naman daw sila ni Jolo. ‘Yun nga lang, wala na silang komunikasyon sa ngayon.

Type ko pa naman si Kris para kay Jolo, tapos hindi naman pala natuloy.

Sabi pa ni Kris, siguro meron daw talaga gustong ibigay ang Diyos sa kanya na deserving sa pagmamahal niya. Baka hindi nga si Jolo, kaya okay lang daw kay Kris.

Sa Lunes na pala magsisi-mula itong Hiram na Puso nila na kapalit ng Kokak sa afternoon prime ng GMA-7.

No comments:

Post a Comment