Friday, March 23, 2012

Luis Manzano, Sasabak Kaya sa Pulitika

Makikitang napakasaya ni Luis Manzano ngayon. Maganda ang takbo ng kanyang career lalo pa at napaka-successful at mataas ang ratings ng kanyang game show, Deal or No Deal. Pati ang kanyang love life ay very umuusbong kaya naman nang matanong namin sa kanya kung ano pa ba ang susunod niyang gustong gawin. “Kasama sa bucket list ko na lumaban ako sa UFC. Honestly, what the future holds for me I am excited to find out. I am clueless yet excited. I have mapped out my future, but I am leaving certain mysteries and let life surprise me.”

Natanong din namin dito kung isa sa mga gusto niya nang gawin ay magpakasal na at bumuo ng sariling pamilya, “It’s a thought, it’s a lingering thought pero sa dami pa ng aking gagawin, yun muna ang aasikasuhin ko.”

Pero inamin naman niya na napag-uusapan din nila ni Jennylyn Mercado ang pagpapakasal pero ito ang kanyang nasabi, “Pero kung sa palagay ko e marami pa akong dapat gawin. Mas bata pa sa akin si Jen.”

Noon pa man inamin na ni Luis na sumagi na rin sa isip niya ang pagtakbo sa pulitika, tulad ng kanyang ina. Kung noon ay firm si Luis sa hindi pagpasok sa larangang ito, malaki na ang tsansang pasukin niya ito ngayon. Pero nang matanong namin ulit siya kung ano na ang plano niya ditto, ang tanging nasabi ng binata, “It’s a mystery, magugulat ka na lang kung saan ka dadalhin ng tadhana.”

Natanong na rin namin kung ano ang plano niya sa Holy Week. “I don’t know yet, pero wala pa akong plano… Last Holy Week nasa Batangas lang kami. Actually ‘pag Holy Week hindi ako nagbo-Boracay. Always the week after pero kapag Holy week itself nasa Batangas ako.”

At kung kasama ba si Jennylyn sa kanyang mga Holy Week plans, “Most probably. Kasi wala naman tayong trabaho pero kung ano yung exact dates hindi pa ako nakakaggawa ng plans for that.”

No comments:

Post a Comment