Sunday, March 18, 2012

Luis Manzano Side sa Pagkakuryente ni Jennilyn Mercado

Sa launching ng isang bagong donut chain, nakausap ng Push.com.ph si Luis Manzano at dito nagbigay siya ng update sa pagiging hot car diumano ng kanyang sasakyan. “Inaayos pa kasama ang LTO (Land Transportation Office) na nagiimbestiga pa kung ano yung tunay na kaganapan at since nagiimbestiga na nagkausap-usap na lahat ng parties na hindi muna mag-comment dahil may investigation na ngang involved.”

Natanong din namin si Luis kung ano ang kanyang nararamdaman at saloobin sa pagkakasangkot niya sa isyung ito. “Sila (LTO) naman mismo nag-clear sa pangalan ko. Since day one there has never been an issue na hot car ang kotse ko. Sila mismo ang nagclarify that is why we are conducting an investigation, hindi lang ang kumpanya ko, at involved din ang LTO kung bakit nagkaroon ng ganung kaganapan. Of course ang LTO, gusto rin nilang malaman ayaw din nilang mabahiran ang ahensiya nila.”

Kamakailan ay nabalita din na naaksidente ang girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado. ayon sa mga lumabas na balita, nakuryente ang actress/singer sa hotel na kanyang tinirahan sa isa sa kanyang mga provincial shows, pero siniguro naman ni Luis na maaayos na ang kalagayan ng kasintahan. “Alam mo ang daming istoryang lumabas na ang dami nang dumagdag na hindi naman. Pero alam mo ako ang isa sa una niyang tinawagan nung nangyari pero the fact na, yun nga tumawag siya, goes to show na okay naman and I made sure na pwedeng may mangyari afterwards pa so wala pa naman. May medications naman siya, nakapagtraining pa nga siya after so okay naman.”

Sa pagkabahala at pagkagulat ng aktor nang nalaman niya ang nangyari sa kasintahan, nagpapasalamat siya na maayos naman ang naging kalagayan ni Jennylyn. “The fact na lang na natawagan ka niya kahit paano, kahit paano its okay. Mas nakakatakot yun kung yung handler niya ang tumawag sa akin at sinabing nakuryente si Jen so siguro it’s one of those accidents that happens.”

Napag-usapan din ang success ng kanyang bagong show na Deal or No Deal na umaariba sa ratings. “I am thankful, I am very thankful at higit sa lahat masaya kami kasi nakikisama yung money board kumbaga hindi basta-basta nakukuha yung two million. Laging naglalagay ng suspense and sinasabi nga namin walang may alam kung ano ang laman nun. Nakikisama lang yun sa amin and we’re just thankful na nakikisama yun sa pag-abang ng tao.”

Nawala na rin ba ang pressure ng comparison sa pag-host niya at ang estilo ng pag-host ni Kris Aquino? “Ayoko naman sabihing dahil sa success. Yung pressure more on nanggaling sa akin. Pero ang initiative ng management sa akin, ‘We want Luis. We got Luis. You know for the longest time si Kris ang kasama namin and now we want a new flavor na manggaling sa iyo.’ So ang pressure na yan ang aspeto ng pressure natatanggal, ako na yun e.”

No comments:

Post a Comment