Saturday, March 3, 2012

Maricar Reyes, May Jowang Matandang Boss sa ABS

KAPAG TALAGANG pinagkumpara ang naging bagong kapalaran nina Maricar Reyes at Katrina Halili magmula nang masangkot sila sa sex video scandal na may kaugnayan kay Hayden Kho, masasabing mas naging maganda ang direksiyon ng movie career ni Maricar kum-para kay Katrina. Palaban at naging maingay kasi si Katrina tungkol sa hustisya na gusto niyang makuha sa itinuturing niyang kaapihan na kanyang naranasan. Kabaligtaran naman, na nanahimik si Maricar tungkol sa nasabing eskandalo.

Sikat na sikat si Katrina bago nangyari ang eskandalo, pero nakakalungkot lang na ang isang mabait na tao sa showbiz na katulad niya, ay dumaranas na ngayon ng paglamlam ng career at naudlot talaga ang karugtong ng kanyang kasikatan.   Si Maricar naman ay hindi pupuwedeng basta interbyuhin ng press, kaya talagang walang makakuha ng kanyang panig tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya. Naging misteryosa ang kanyang dating, habang magagandang proyekto ang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, kaya naging aktres ang kanyang kalibre sa ngayon.

Matagal na ring pinag-uusapan, na kaya raw maganda ang direksiyon ng career at buhay ni Maricar, ay dahil nga diumano, ang kanyang boyfriend ngayon ay isang may edad na bossing sa ABS-CBN. Para raw nakasandal ngayon sa pader ang kaseguruhan ng buhay at career ng magandang aktres. Dahil mailap nga si Maricar sa press, kaya ang tanong na ito tungkol sa kanyang lovelife ay hindi pa niya nabibigyang-linaw.

No comments:

Post a Comment