Tuesday, March 20, 2012

Real Feeling ni Xian Lim sa Panliligaw ni Enrique Gil kay Kim Chui

Mas nagiging mabuti ang pagiging magkaibigan ng mga former My Binondo Girl stars na sina Kim Chiu at Xian Lim. Sa magkaibang interviews ng The Buzz sa dalawa, naikwento nila pareho ang nangyari nang imbitihan ni Kim si Xian for dinner kasama ng kanyang pamilya.

“Actually andito yung lola ko, yung mga kamag-anak ko. And nag-dinner kami tapos sabi nila ‘gusto naming makilala si Xian,’ siyempre kasi nanonood sila ng [My] Binondo Girl. So tinawagan ko siya, sabi ko, ‘Uy pwede ka ba tonight?’ Tapos sabi niya, ‘Oo naman, anong meron?’ Sabi ko, ‘Dinner kasama ng mga kamag-anak ko. The true family!’ sabi ko sa kanya. ‘Oo sige, sige,’ [sabi niya] ‘Ay walang pakundangang na di na nagdalawang isip?” natatawang kwento ni Kim.

 Wala naman daw negative na sinabi ang relatives ni Kim tungkol sa kapareha sa show. “Okay naman, mabait naman daw si Xian. Magalang. Masaya sila na nakilala nila si Xian. And thank you din dahil pinaulakan niya yung dinner kasama ng family ko”

Sa status naman ng panliligaw ni Xian ay sinabi ni Kim na masinsinang pagkilala daw sa aktor ang approach niya dito. “Consistent naman siya. And dahan-dahan muna. And siyempre mas maganda yung matagal muna yung pagiging magkaibigan or san man papunta ‘to. ‘Wag naman yung pabigla-bigla, maganda yung may foundation. Mas maganda na mas kilala niyo yung isa’t isa bago kayo papasok sa isang bagay.”

As for Xian, masaya naman ito sa maluwag na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Kim.“I am feeling thankful. Naman, being introduced to family it means there’s sincerity, it’s genuine. I’m really happy na-meet ko na sila because I’m getting to know the person more.”

Sinabi din niya na ‘di niya rin minamadali si Kim o ang proseso ng panliligaw sa aktres. “Let’s take it step by step. I don’t want to look too far into the future. Let’s take it moment by moment. We maintain a good friendship. Nothing changed, and kung may magbago man, it’s probably growing.”

Pero may napapabalitang manliligaw si Kim at ito ang kanilang fellow Star Magic artist na si Enrique Gil. Nang tanungin si Xian tungkol dito, wala naman daw problema kung totoo man na nangliligaw din ito kay Kim. “’Di ko po alam na may issue na ganyan. Me and Enrique, we are good friends so walang ganun…of course there’s no problem.”

Si Kim naman ay nahihiya na natatawang sinagot ang tanong tungkol sa kanyang bagong manliligaw. “Teka lang. Nahihiya na ko. Friends naman kami [ni Enrique] and minsan nagkakatext lang. Nakikipagkaibigan naman siya sa akin kasi nagkikita naman kami sa ASAP,” sabi ni Kim. 

No comments:

Post a Comment