Wednesday, March 14, 2012

Say ni Kim Chui sa Panliligaw sa Kanya ni Enrique Gil

NAKAUSAP NAMIN last Sunday sa ASAP Rocks si Kim Chui at agad ay hiningan namin ito ng reaksyon sa balitang pagpapadala raw ng mga hate e-mails ng mga KIMERALD sa mga manunulat at mismong kay Sarah Geronimo, kung saan tinawag pa raw ng mga ito na “pakawalang babae” ang Pop Princess.

Dinepensahan naman ni Kim ang tagahanga na sa pagkakaalam niya ay tanggap at sinusuportahan ng mga KIMERALD sina Gerald Anderson at Sarah at kung mayroon man sigurong gumagawa nu’n ay iilan lang.

Ipinaliwanag sa amin ni Kim na bilang mga avid fans nila ng dating kapareha, naiintindihan niya kung ganu’n man ang nararamdaman ng mga ito. Ang pinagpapasalamat niya ay patuloy silang sinusuportahan ng mga ito kahit buwag na ang tambalan nilang dalawa ni Gerald at may iba nang ipinapareha sa kanila.

 Kinumusta rin namin kung patuloy pa rin ba ang closeness nila ng kaparehang si Xian Lim. Inamin sa amin ni Kim na nagkaka-text-an pa rin silang dalawa ng young actor at nu’ng nakaraang birthday nga ng anak ni Ms. Ai-Ai de las Alas, kung saan nag-dinner muna sila ni Xian ay sabay silang pumunta sa nasabing okasyon.

Bali-balitang nanliligaw daw ngayon kay Kim si Enrique Gil, ayaw kumpirmahin ng young actress kung totoo ba ito. Ang tanging nasabi niya lang sa amin ay mas mabuti raw kung si Enrique na lang ang tanungin, dahil bilang isang babae ay wala siya sa posisiyon na magsabi ng ganitong mga bagay.

‘Di man aminin, iba ang basa namin sa binitawang salita ni Kim, kung saan kailangan talaga naming matanong si Enrique tungkol sa panunuyo niya raw sa young actress

No comments:

Post a Comment