Saturday, March 3, 2012

Tambalang Xian Lim at Kim Chui, Nakakabaliw

PARANG SOBRANG lakas ng ha-tak ng tambalang KimXi ngayon.

Sa mga hindi nakakaalam pa, Kim Chiu at Xian Lim ‘yan. Dahil ‘yan sa lakas ng kanilang arrive sa My Binondo Girl na kahit ang mga TFC subcribers ay lukang-luka sa tambalan.

Gusto na nga nilang mabalitaan sa susunod, magdyowa na ang dalawa, eh. Pero hindi pa sila umaamin o baka wala pang aaminin. O baka hindi natin alam, for the fans lang ang pakita nila sa isa’t isa.

Pero sana, since nabuo na ‘yan ay ‘wag nang bitawan.  Lalo pa’t hindi na namin masyadong naririnig ang Kimerald o ang tambalan nila ni Gerald Anderson (dahil nga me Sarah Geronimo na DAW si Gerald).

Pero payo rin namin sa mga fans, lalo na sa mga kabataang humahanga sa mga loveteam-loveteam sa pangkalahatan, alam naming sobra-sobra ang saya at kilig na ibinibigay sa inyo ng mga hinahangaan n’yong artista.

Alam din naming gumagastos ang iba para lalo pang mapalawak at ma-reach ang maraming fans na kanilang binubuo para lalong lumakas ang tambalang iniidolo nila.

Pero please lang, ‘wag n’yong pababayaan ang sarili ninyo. Gawin n’yo lang silang inspirasyon, pero bumuo pa rin kayo ng pa-ngarap para sa sarili n’yo.

Masakit ma-disappoint, lalo na ‘pag hindi naman nagkatuluyan sa tunay na buhay ang mga idol natin.

No comments:

Post a Comment