Saturday, March 17, 2012

Vice Ganda, Pinalit si Vicki Belo Kay Calayan

Kamakailan ay na-launch bilang bagong endorser ng Belo Beauty Clinic si Vice Ganda. Nilinaw ng host/comedian na nagpalit siya ng ineendorsong clinic dahil nag-expire na ang kanyang kontrata sa dati niyang clinic.

“Hindi naman pwede tumanggap agad kasi siyempre, ‘di ba? Siyempre nung mag-expire, meron pang six month period na hindi ka pwede mag-endorse ng anything na katapat nila ganun. Kasi siyempre mahirap din kasi naging kaibigan ko din sina Drs. Manny and Pie Calayan (may-ari ng dati niyang ineendorsong clinic) pero hindi naman siguro, hindi naman ito dahilan ng pagiging kaaway or anupaman. Medyo madali din kasi naniniwala din naman ako dun sa pinalit ko. Magiging mabigat sa kain yun kung alam kong ala akong magiging tiwala dun at pera-pera lang.”

Nilinaw din ni Vice Ganda ang mga isyung kumakalat na may kinalaman ang kanyang matalik na kaibigan na si Kris Aquino sa kanyang paglipat sa sikat na beauty clinic lalo pa ngayon na parehas sila ng manager. “Pwede naman talaga, pwedeng mabigyan ng kulay at lahat naman lalagyan ng kulay. Kahit ano naman ang sabihin natin kasi again and again ako naman ang nagdedesisyun for myself. Hindi ko manager si Kris Aquino.”

At bilang endorser ng sikat na beauty clinic, marami ang nagtatanong kung vain ba si Vice at ano ang ginagawa nitong mga beauty regimens. “Sobrang balahura ako, wala akong kaarte-arte sa katawan. Kaya nga kami nag-aaway kami ni Kris kasi kapag nag-oout of the country kami, gusto niya bago matulog maliligo muna ako e. Hindi ako matutulog, napagod na ako bukas na lang paggising ko kasi pag naligo ako mawawala pa yung antok ko. Pero hindi naman nangangahulugan na marumi ako sa sarili, hindi lang ako masyadong maarte.”

Inamin din ni Vice ang kanyang saloobin tungkol sa issue ng overexposure na binabato sa kanya dahil maliban sa halos daily noontime show niya na It’s Showtime, may Sunday night show pa siya na Gandang Gabi Vice. “Nakakatakot din kung araw-araw ka nakikita at paulit-ulit ang ginagawa mo. Pero I make sure na yung ginagawa ko sa Showtime at sa GGV iba, kasi magkaiba din yung market ng GGV at ng Showtime e.”

No comments:

Post a Comment