Sunday, April 15, 2012

Angeline Quinto, Magpapa-Retoke ng Nose


Angeline Quinto is now tagged as ABs-CBN’s Queen of Teleserye Theme Songs. Let’s hope people won’t tag her as retoke queen too when she finally gets her nose job. I guess she thinks her nose is too big so she wants something done with it.

NALALAKIHAN si Angeline Quinto sa kanyang ilong kaya balak niya itong iparetoke. Hindi lang sure ang singer kung kelan niya ito gagawin dahil sobrang dami niyang commitments at abala sa promo ng kanyang second album na Fall in Love Again under Star Records.
Kailangan ding hingin ang opinyon ng ilang mga kaibigan at siguro, pati na rin ng mga boss ng ABS-CBN kung itutuloy nga niya ang pagpapaayos ng ilong.

“Naiilang po kasi ako. Pakiramdam ko ang laki-laki ng ilong ko. Gusto kong patapyasan at pabawasan,” sey pa ng singer.

Eh, baka naman hindi na siya makilala ng kanyang fans kapag nagparetoke siya ng ilong?

“Hindi naman po siguro. Ipapaayos ko lang naman para mas gumanda. Ako pa rin naman ito. Hahaha!” dagdag pa niya.

Kung saka-sakali, ito pa lang ang unang beses na may ipaparetoke sa katawan si Angeline. Ang pagpayat daw niya ay hindi dahil sa liposuction kundi sa pagda-diet lang.

“Thirty pounds ang nawala sa akin pero hindi ’yon dahil sa lipo. Nagbawas lang talaga ako ng kanin. Isang tasa lang sa umaga, tapos kalahati lang sa tanghali. “After 3 p.m., hindi na ako kumakain ng heavy, wala na ring rice. Tapos kapag may time, super exercise ako at nagsi-sit-ups,” kuwento pa niya. (source: leo bukas)

Yah know, at least Angeline is not ashamed to say she’s going to get something done. There are some celebs out there who’d swear up and down that they didn’t go under the knife even though their nose, cheeks, and boobs are screaming YES I DID!, Haha!

No comments:

Post a Comment