Marami ang naaawa kay Kim kasi sobrang sakripisyo ang dinadala n’ya. Hindi kasi n’ya alam kung ano ang gagawin n’ya sa kanyang magulang kung paano ulit magsasama-sama. Napakabata pa kasi ni Kim para siya ang humarap ng problema kaya hindi niya ma enjoy ang kanyang sarili. Heto siya at nagtatrabaho nang todo at siya ang gumagawa ng solusyon para ma-solve ang problema ng kanyang pamilya.
Wala kasi siyang magagawa, kasi siya lang ang kumikita sa kanila, hiwalay ang magulang niya at palihim na binibigyan niya ng pera ang kanyang ina. Kasi ‘pag nalaman daw ito ng kanyang ama, malaking gulo ang mangyayari. Siyempre, anak lang siya, nangangailangan ng tulong ang kanyang ina, kaya hindi niya matiis. Kahit pinagbawalan siya ng kanyang ama na ‘wag susuportahan ang kanyang ina, pati ang kanyang mga kapatid. Kaya ‘pag nagpapadala siya ng suporta, palihim lang at siya lang ang nakakaalam.
Kaya kung totoo man ito, dapat malaman ng tatay na may karapatan din na makinabang ang kanyang ina sa inaa-ning tagumpay ni Kim ngayon. Masasabi nating napakaganda talaga ng puso ni Kim, kaya naman siya pinagpapala. Bihira lang ang katulad ni Kim na marunong magdala ng problema. Mabuhay ka….
No comments:
Post a Comment