Friday, May 11, 2012

Angeline Quinto Talks About Her First Movie with Coco

Malapit na malapit nang ipalabas sa sinehan ang first movie ni Angeline Quinto na Born to Love You. Kasama nya rito ang ultimate crush nyang si Coco Martin.

Nakausap namin si Angeline about sa movieng ito at talaga namang tuwang-tuwa sya.

"Matagal din po naming shinoot ito, at may kaunting delay pa dahil super busy si Coco sa taping ng Walang Hanggan noon, at heto natapos na rin namen. Sobrang saya ko dahil feel ko na okay naman yung acting ko. Hahahaha."

"Wish ko lang na sana suportahan ng mga tao at magustuhan nila. At sana rin okay yung feedback nila sa acting ko."

No comments:

Post a Comment