Wednesday, May 30, 2012

Gerald Anderson to Sarah Geronimo: I Miss You So Much

Dahil sa clamor ng fans na ibalik ang tambalan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo, biglaang nagpatawag ang Star Cinema ng story conference para sa ikatlong pelikula nila noong Sabado, Mayo 25. Makakasama rin nila ang box office director na si Cathy Garcia-Molina na kilala sa husay nito sa paggawa ng romantic comedies tulad ng A Very Special Love at My Amnesia Girl.

Imbis na mailang ay mas inspirado raw si Gerald na umpisahan ang proyektong ito dahil maging sa totoong buhay ay nagkakamabutihan na rin sila ni Sarah. "It's going to make our working relationship much better than our past movies kasi mas kilala na namin isa't isa. Hindi na kami masyado mangangapa. Mas magiging madali kasi dati hindi naman ako pinapansin ni Sarah," natutuwang kwento ni Gerald sa panayam namin sa kanila ni Sarah.

Sinegundahan naman ito ng Pop Star Princess. "Grabe, mga hinanakit ko...hahaha! Hindi kami masyado nag-uusap nun. Hindi, na-excite ako kasi mas bonded kami. May alam na rin ako tungkol sa kanya. Alam ko mag-e-enjoy kami. At si Direk Cathy alam kong magaling na director [so] we're in good hands."

Hindi itinago ni Gerald ang respeto at paghanga niya kay Sarah lalo na pagdating sa trabaho. "I like learning from her. 'Pag pinapanood ko siya, kahit 'di ako kasama sa eksena, [gusto ko] yung pagiging professional niya at determinasyon niya na maging successful sa craft niya. Ang ayoko sa kanya sobra siyang talented. Totoo yun! Ibang iba siya sa personal tsaka 'pag pinapanood mo siya. [Meron siyang] God-given talent talaga."

Sa kabila nito ay grabe rin pala silang magkulitan sa set. "Masarap kasama [si Sarah]. Sobrang sarap minsan nakakawala ng focus. Nakakatawa siya, nakakahawa yung tawa niya. Minsan mahirap din kasi sobrang nag-e-enjoy ka in her company, minsan nakakalimutan mo kung anong dapat gawin."

Napatakip naman ng mukha si Gerald ng ibinuking siya ni Sarah na madalas siya nitong hiritan ng mga bagay na nakakawala ng konsentrasyon niya sa kanilang mga eksena noon sa Won't Last A Day Without You. "Minsan naiinis ako sa kanya kasi meron kaming mabigat na eksena, nagiiyakan kami, hirap na hirap ako. Tapos kapag rehearsal pa lang, kinakausap niya ako sa ibang topic na ang light light. 'Tignan mo 'to, ako dito nag-e-emote, nag-i-internalize...' Pero siya kayang-kaya niya na 'pag take na ang galing! Na-amaze ako sa kanya na automatic na sa kanya [makapag-deliver]. Napaka-professional niya. 'Pag trabaho trabaho talaga."

Sa kabilang banda, hindi nakaligtas sina Gerald at Sarah sa mga katanungan tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon. "We're good. Siguro lately busy si Sarah, ako din nagstart mag-shoot [ng El Brujo] kaya hindi ganon kadalas yung pagkikita namin. Pero kapag nagumpisa na kami mag-shooting ng bago naming movie, mas okay. [Basta ngayon] mas close kami, mas madami kaming alam sa isa't isa."

Sa totoo lang ay hindi raw makapaniwala si Gerald na binigyan siya ng pagkakataon ni Sarah na mas makilala ito ng lubusan. Ngunit hangga't maaari ay ayaw ng magdetalye ng aktor tungkol sa kanilang pagkakaigihan. "Anong pwede naman i-share [sa tao tungkol sa amin]? Sapat na sabihin namin na talagang may growth mula nung nakilala ko siya at nag-start na yung journey namin to get to know each other better, ang layo na talaga. Ako nga minsan hindi makapaniwala na, 'Wow! I got to know her this much and this deep.' Siguro sapat na yun. There's always something for the fans at yung personal, para sa akin, para sa kanya."

May nais pa sanang idagdag na rebelasyon si Sarah ngunit sa huli ay nagbago ito ng isip. "Yun lang po siguro masasabi ko din. May growth na yung friendship namin. Kumbaga... 'Di ko sinasabi... Ayoko na magsalita! Hahaha! Basta happy lang ako kung anong meron kami ngayon at happy ako na magkakatrabaho kami ulit."

Kaya naman tinanong namin si Gerald kung na-miss ba niya si Sarah noong nagpunta siya kamakailan ng U.S. para sa Teleserye Bida Tour. "Of course! In a way kahit papaano naputol [yung communication] kasi dati lagi kami magka-BBM. Siyempre nung nasa States paminsan-minsan na lang so siyempre nakaka-miss." Tila hindi naman makapaniwala si Sarah nang bigla itong humirit ng, "Weh [hindi nga]?" Kaya balik-tanong ni Gerald sa singer-actress, "Hindi mo ba naramdaman na na-miss kita?" Halatang na-conscious naman si Sarah kaya natawa na lang ito at pasimpleng iniba ang usapan. Sa huli ay inamin nitong na-miss din niya si Gerald at kinumpirmang madami itong iniuwing pasalubong para sa kanya.

No comments:

Post a Comment