Sunday, May 13, 2012

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, Magsasama

May bonding moment sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual ngayong Linggo (May 13) dahil ang bida ng Star Cinema film na Every Breath U Take ay guest co-host ng Popstar sa kanyang solo musical variety show na Sarah G. Live.

Bukod kay Papa P. magdadagdag kilig at saya sa TV viewers, ang Kapamilya hottie na si Rafael Rosell na may inihandang espesyal na smash up dance number.

Samantala, samahan naman ang Popstar at ang isa pang Kapamilya leading man na si Matteo Guidicelli sa isang exciting na ‘go kart’ adventure sa ‘Sige Go’ segment.

Kasama muli ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host na si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud.

Sharon, ibabandera ang Women Empowerment sa Bagong Mega Afternoon Block ng TV5

Ang Mayo ay buwan ng women empowerment sa TV5. Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, sisimulan na ng Kapatid network ang mega gandang hapon sa Mayo 14. Magsisimula ang masasayang hapon sa mga naglalakihang Hollywood movies. Susundan ito ng mga award winning Koreanovela at sa kanyang unang programa bilang Kapatid, bubuksang muli ni Sharon ang kanyang puso para sa mga ordinaryong tao sa Sharon, Kasama mo Kapatid.

Kasama sa mga mapapanood ang White Lies, Love You A Thousand Times at Pink Lipstick.

Sa loob ng tatlong dekada, mapa pelikula, musika o telebisyon, di matatawaran ang galing ng Mega star na si Sharon Cuneta. Ngayon, isang bagong hamon ang kanyang haharapin sa kanyang showbiz career. Sisimulan na ng Mega star ang kanyang daily talk show na Sharon: Kasama mo, Kapatid.

Ang Mega afternoon block ay magsisimula na ngayong Lunes, Mayo 14.

No comments:

Post a Comment