Friday, May 11, 2012

Nakakatakot na Balita Tungkol Kay Sarah Geronimo

Carlo Comintan na may e-mail address na carlocomintan@yahoo.com ang name ng fan na galit kay Sarah Geronimo at nagpadala ng e-mail sa akin. Matindi ang pagbabanta ni Carlo kay Sarah na hindi dapat ipagwalang-bahala dahil matindi pa sa mga banta ng Tulfo Brothers ang kanyang ginawa.

Madali na ma-trace ngayon ang pinagmulan ng e-mail at may kakayahan ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang police authorities na ma-locate ang kinaroroonan ng e-mail sender, seryoso o biro man ang kanyang banta kay Sarah, at kung pormal na magsasampa ng reklamo ang singer-actress. Ito ang threat ni Carlo kay Sarah:

 “Brutal namin papatayin ang primadonna na si Sarah G. kapag hindi tumigil ang singer at ang Viva sa panggagamit kay Gerald Anderson para sa publicity at personal interest.

 “Matagal ng kumukulo ang dugo namin at sa puntong ito ay ‘di na kami magpapaliguy-ligoy pa. Malaking gulo ang naghihintay at mangyayari lalo na sa concert ng primadonnang singer this July 2012. Kapag hindi tumigil sa panggagamit sa aktor at patuloy na idinawit ang pangalan nito. This is not a joke...”

Malinaw ang sinabi ng e-mail sender na hindi joke ang kanilang banta at hindi rin joke kung seser­yosohin siya ng kampo ni Sarah na may karapatan na magreklamo dahil sa paulit-ulit na pananakot ng fan.

Hindi ko sana papatulan ang e-mail dahil ayokong magpagamit sa kanilang mga drama pero paano kung totohanin nila ang banta? Mabuti nang napaghahandaan ng produ ang birthday concert ni Sarah na 24/SG para maiwasan ang anumang untoward incident.

No comments:

Post a Comment