Thursday, June 7, 2012

Daniel Padilla Malinis ang Intensyon Kay Kathryn Bernardo

Sa Grand Fans Day ni Daniel Padilla na ginanap sa Skydome, nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang mga fans na makasama siya at makabonding. At dito kinuha na rin ng Push.com.ph ang reaksiyon ni Daniel sa sinabi ni Kathryn Bernardo sa kanyang panayam sa Showbiz Inside Report. Nasabi ng dalaga na “very close friends” sila at nang malaman ito ni Daniel hindi niya maitago ang tuwa at sigla. “Uy! Nakakatuwa, ngayon ko lang nalaman yun. Totoo ba yan? Yung ganun na sinabi niya yun parang gusto ko pang mag-isang kanta e sobrang masaya. Masaya, di ako makapagsalita.”

Sinagot na rin ni Daniel ang naging pagbunyag ni Kathryn sa mga pagkakatong nakikitaan niya ng pagseselos ang binata. “Pag nagseselos ka ba pinapansin mo? Hindi naman siguro sa lahat. Siyempre pag nagseselos ka, nagtatampo ka. Bakit mo kakausapin ng masaya? Siguro minsan ganun lang siyempre hindi mo maiwasan pag gusto mo talaga yung tao e matatakot ka rin na mapunta sa iba.”

At sa naging pag-amin din ni Daniel na si Kathryn Bernardo na ang nakikita niyang pakakasalan, nabalikan muli ang tanong na ito. “Maganda yun pero sana pwede.” At pati siya mismo ay nabilisan sa kanyang naging sagot tungkol sa pagpapakasal. “Pwede naman. Hindi naman malabo na siya yung puwede dahil nakikita ko naman sa kanya ang pakakasalan na isang babae. Saka yung pinakaimportante naman yung masaya ka sa babaeng kasama mo at masayang-masaya ako [sa kanya].”

Sinagot na rin ni Daniel ang mga observation na sa kanilang tatlo (nina Enrique Gil at Khalil Ramos) na kapareha ni Kathryn sa Princess and I, na siya ang pinakamalakas at mas tinatangkilik ng mga tao. “Di ko masasabi yan kung ako talaga kasi malakas din naman po yung ibang mga love team e. Si Kathryn with Enrique and Khalil malakas din naman po e, basta po ako ang ginagawa ko e pasayahin ang mga fans namin ni Kathryn.”

At may sagot na rin si Daniel sa mga nagsasabi na isa siyang palikero, chick boy at babaero, lalo pa at napanghihimasukan ang intensiyon niya kay Kathryn ng ibang tao. “Siguro yung mga taong insecure lang sa akin kaya siguro nila nasasabi yun. Malinis na malinis ang intensyon ko walang dumi, walang mantsa.”

No comments:

Post a Comment